^

PSN Opinyon

Gadon, nagimbal sa P500-M gastos sa security ni Sara!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Nakagigimbal! Ito ang reaction ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation (PAPA) Secretary Larry Gadon sa na­tuk­lasan na aabot sa P500 milyon ang ginagastos ng gob­yerno sa 433 security detail ni Vice President Sara Duterte.

Sa isang pahayag, sinabi ni Gadon na ang magarbong paggastos para sa seguridad ng isang Pinoy ay nagpapakita ng malaking pasanin sa bayan ukol sa isyu ng moralidad at wastong paggamit ng pondo ng Pinas.

Imbes na ang pondo ay magamit sana para pakainin ang nagugutom na Pinoy, lalo na ang mahihirap at may sakit. Dipugaaa!

Naging kontrobersiyal ang isyu patungkol sa security detail ni Sara matapos i-recall ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang malaking bahagi nito. Lumalamig na ang isyu at gumatong pa si Gadon. Mabuti’t di tinawag ni Gadon si Sara na bobo! Sanamagan!

Ayon kay Gadon, ang 433 security personnels ni Sara sa nakalipas na taon ay tumatanggap bawat isa ng suweldong P55,000 kada buwan. “Ito ay nangangahulugan ng higit sa P20 milyon kada buwan, at sa loob ng 24 buwan, ito ay umaabot sa nakakagimbal na P480 milyon,” pagbigay diin ni Gadon.

Sinabi pa niya, na may mga datos na madaling hanapin­ online na nagpapakita na ang Office of the Vice President (OVP) ay gumastos ng P55 milyon mula 2022 hang­gang 2024 para sa special duty allowances ng mga military at PNP personnel.

“Ibig sabihin, higit sa kalahating bilyong piso ang ginastos para sa magarbong seguridad ng isang tao, isang halaga na sana’y mas mainam na nailaan sa pagpapatayo ng mga kinakailangang imprastruktura sa paaralan o paglalaan ng pagkain para sa mga tao,” ani Gadon. Dipugaaaa! Tsk tsk tsk! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Iginiit pa ni Gadon na sa termino ng nakaraang bise pre­sidente noong 2019 at 2021, ang OVP ay gumastos­ lamang ng P5.7 milyon kada taon para sa special duty allowances­. Ayon kay Gadon ang halagang ito ay malayo sa P25 milyong alokasyon ni Sara para sa parehong mga allowance hang­gang sa taong ito. Kung ang police population ratio na 1-2,000 ang gagawing basehan, ang deployment ng security ni Sara ay pinagkaitan ng serbisyong pampulisya ang daan-daang libong Pinoy. Dipugaaa!

“Isang nakapangingilabot na maling alokasyon ng mga pera ng taumbayan na direktang nakaaapekto sa kaligtasan ng publiko,” kanyang ipinunto. Ang sakit sa bangs nito!

Idinagdag pa ni Gadon na karamihan sa mga bansa, ang ikalawang pinuno ay karaniwang hindi nangangailangan ng ganitong kalawak na proteksiyon. Mismooo!

“Ang sitwasyong ito ay hindi normal, at ito ay naglalabas ng seryosong mga tanong tungkol sa moralidad at wastong paggamit ng ganito kalaking pondo sa isang tao na wala namang malaking banta sa buhay. Sa lahat ng mga bansa, ang pangalawang pinuno ay nakikita bilang potensyal na banta sa pinakamataas na lider, ngunit sa kasong ito, kabaliktaran ang nangyayari,” ayon pa kay Gadon.

Humihingi ang OVP ng badyet na mahigit sa P2 bilyon para sa 2025, o 8 porsyento na mas mataas kumpara sa nakaraang taon. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Tiyak may sagot si Sara rito! Abangan!

GADON

PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with