Sa pag-aampon ng bata kailangan ang petisyon ay isampa ng mag-asawa at ang pahintulot ng mga anak nila na mahigit 10 taon, upang masiguro na ang lahat ay magkakasundo. Ngunit kung wala ang pagpayag ng lahat, maaari pa rin bang maging legal ang pag-aampon. Ito ang sasagutin dito sa kaso ni Henry.
Si Henry ay kasal kay Lila ngunit ang kanilang pagsasama ay magulo dahil parang bakla si Henry at hindi sila magkasundo kahit may isang anak na sila na may sakit na noong ipanganak na siyam na araw lang nabuhay. Kaya pagkaraan ng dalawang buwan matapos mamatay ang bata, iniwan na ni Lila si Henry.
Nagkabalikan at nagkasundo muli sila pagkaraan ng pitong taon kahit hindi sila nag-sasama. Binibisita ni Henry si Lila, at nanganak uli si Lila sa pangalang Mina. Naghiwalay na sila ng lubos pero magkaibigan pa rin.
Noong pitong pung taon na si Henry napetisyon siya sa Korte (RTC) sa ibang probinsiya kung saan siya nakatira upang ampunin ang dalawang batang sina Gina at Alan na anak ni Erlinda na nakilala niya at kinakasama sa probinsiyang tinitirhan.
Pagkaraang marinig ang petisyon ni Henry, inaprubahan ng RTC ang pag-ampon kina Gina at Alan dahil wala namang sumalungat dito. Dahil sa pagpapabaya sa tunay na anak niya na si Mina, at pagreregalo sa kanyang driver na si Jojo at pag-ampon kina Gina at Alan na hindi naman pinayagan at alam ni Lina, na tunay na asawa niya, at tahasang pagsisinungaling sa RTC, hiniling ni Lila na tanggalan ng karapatan bilang abogado si Henry. Pero bago pa man ma desisyunan ang kaso namatay na si Henry sa edad 70 taon.
Kaya si Lila at Mina ay nagsampa ng kaso na pawalang bisa ang pag-aampon kina Gina at Alan. Sinabi nila na ang affidavit ng pagpapayag ni Lila sa pag-aampon ay tiwali at of “fraudulent” at ang mga birth certificate sa National Statistic Office (NSO) ay nakasaad na tatay ng dalawa ay si Jojo na driver ni Henry.
Ngunit hindi ginawad ng Court of Appeals (CA) ang petisyon ni Lila at Mina. Sabi ng CA na hindi naman napatunayan na walang hurisdiksyon ang RTC sa pag-ampon at sa mga partido, at may katiwalian sa apidabit at mga birth certificates. Tama ba ang CA?
Mali. Sabi ng Supreme Court (SC) ang hurisdiksyon ng Korte sa pag-aampon sa anak sa labas ay kailangan ang pagpayag ng asawang babae at ng mga lehitimong anak na mahigit sampung taon. Kaya dapat nagsampa ng petisyon si Henry ng kaso, kasama si Lila o dapat pumayag ito dahil magiging lehitimo na rin ang mga anak sa labas na inampon niya.
Ang pagpayag ni Mina na lehitimong anak niya na mahigit 10 taon ang edad ay kailangan din upang magkaroon ng pagkakasundo ay mga magiging magkapatid. Dapat ding inabisuhan ng personal sina Lila at Mina sa nasabing petisyon ng pag-aampon. Ang paglathala sa diyaryo ng nasabing petisyon ay di sapat. Kaya dahil walang personal na abiso kay Lila at Mina, walang hurisdiksiyon ang RTC.
Mayroon ding paglinlang dito. Itong paglilinlang na nangyari sa paggamit ng mga pekeng dokumento o kasinungalingan sa testimonya. Dito sa kaso, ang mga kinilos ni Henry ay di nagbigay kina Lila at Mina ng karapatang tutulan ang pag-ampon. Kaya ang nasabing pag-ampon kina Gina at Alan ay talagang walang bisa (Castro and Castro vs. Gregorio, G.R. 188801, October 15, 2014).