Convenience store ninakawan

MANILA, Philippines — Isa na namang convenience store na Alfmart ang hinoldap sa Brgy.Alulod, Indang, Cavite, kamakalawa.

Dakong alas-6:00 ng umaga nang madiskubre ng mga empleyado na napasok sila ng mga magnanakaw.

Sa salaysay ng mga staff sa pulisya nang nasabing oras, papasok na umano sila sa tindahan nang mapansin nilang nakataas umano ang roll up nito.

Agad silang nagtatakbo papasok at dito nila nakita sa loob na nagkalat ang mga groceries dito at nakabukas din ang back door ng store.

Wala na rin ang pera na natira sa cash box at ang cellphone na gamit ng store, sira-sira rin ang ibang mga gamit sa loob.

Sa pagsisiyasat ng pulisya at sa cctv footage na nakuha dito, bandang ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng madaling araw nang pasukin ng mga suspek ang nasabing convenience store.

Show comments