^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag gawing evacuation centers ang eskuwelahan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Huwag gawing evacuation centers ang eskuwelahan

NOONG nakaraang Abril 2024, nakiusap ang Department of Education (DepEd) na huwag gawing evacuation centers ang mga eskuwelahan. Sa tuwing magkakaroon ng kalamidad—bagyo, baha, lindol, at pagputok ng bulkan, ang mga eskuwelahan ang pinag­dadalhan ng evacuees. Halos lahat ng mga apektadong residente ay sa schools tumutuloy. Mas marami kasi ang nakakasilong sa mga eskuwelahan dahil sa rami ng rooms. Maraming public schools ang karani­wang hanggang ikaapat o ikalimang palapag kaya mara­ming tao ang nakakatuloy.

Nang bumaha noong Hulyo 24 sa Metro Manila dahil­ sa habagat na pinalakas ng Bagyong Carina, maraming­ residente ang pansamantalang dinala sa mga eskuwelahan na nagsilbing evacuation centers. Ilang araw din na nanatili sa mga eskuwelahan ang evacuees. Ayon sa report, may mga schools pa hanggang sa kasalu­kuyan na ginagamit pa ring evacuation centers.

Nang magbukas ang school year 2024-2025 noong Lunes (Hulyo 29), maraming eskuwelahan ang ipinagpaliban ang pagbubukas ng klase. Ilan sa dahilan kaya ipinagpaliban ang pagbubukas ng klase ay dahil baha sa lugar, kailangang i-repair dahil nasira ang school at ginagamit na evacuation centers. Ayon sa DepEd, umabot sa 673 schools ang hindi nakapag-umpisa ng klase dahil sa mga nabanggit na kadahilanan.

Pero sa isang report, ang patuloy na pananatili ng evacuees ang malalim na dahilan kaya hindi nakapag­simula ang klase noong Lunes. Hindi naman maitaboy ang evacuees sapagkat karamihan sa mga ito ay mga maliliit na bata at sanggol at senior citizens.

Hindi maganda ang epekto sa patuloy na paggamit ng mga eskuwelahan bilang evacuation centers. Apektado ang pag-aaral ng mga estudyante. Isa pang hindi maganda, nasisira ang mga school dahil sa kagagawan ng evacuees. Maraming nasasalaula at nasisira.

May mga evacuees na sinisira ang mga kuwarto ng school, pati mga silya blackboards. Sinusulatan ang pader at doon dumudumi. Halimbawa rito ay ang nang­yari sa mga school sa Parañaque ilang taon na ang nakararaan. Nababoy ang mga room at kailangang linisin bago gamitin ng mga estudyante.

Sikapin ng pamahalaan na magpagawa ng evacua­tion centers sa bawat barangay. Huwag sa schools dalhin ang evacuees. Isakatuparan ito sapagkat ang bansa ay laging nakaharap sa kalamidad. Kailangan ang desenteng evacuation centers.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with