ANG saging mapa-lakatan, latundan o saba ay nagtataglay ng mga sumusunod: Vitamin A, Vitamin B, Thiamine, Vitamin C, Calcium, Iron, Phosphorus, Potassium, Carbohydrates at Protein.
Napakaraming benepisyo ng saging sa katawan:
1. Tiyan – Napakaganda ng saging para sa mga may ulcer at nangangasim na sikmura. Ang saging ay may sariling antacid na tinatawag na phospholid. May flavonoid din ang saging na parang tinatapalan ang mga sugat sa ating tiyan.
2. Puso – Mabuti ang saging sa puso dahil mataas ito sa potassium at bitamina. Lalo na kung umiinom ka ng mga gamot sa puso at altapresyon, dagdagan mo na rin ng dalawang saging bawat araw.
3. Multivitamin – Kung susuriin, parang multivitamin na ang saging dahil may vitamin A, B, C, Calcium, Iron, at Potassium ito.
4. Mabuti sa colon – Dahil mataas sa fiber ang saging, puwede itong panlaban sa colon cancer at iba pang sakit sa bituka.
5. Good for exercise – Sa mga mahilig mag-ehersisyo at mag-gym, kailangan ng saging para hindi bumaba ang iyong potassium.
6. Para sa stress at pang-relax – Ang saging ay may tryptophan. Ito ay kemikal na nagpapasaya sa atin at nagpapaganda ng ating emosyon.
7. Maaring makabawas ng leukemia at hika sa bata – May pag-aaral na kapag ang bata o sanggol ay laging papakainin ng saging, mas hindi sila hihikain, at hindi rin magkakaroon ng leukemia. Hindi pa ito tiyak, pero maraming naniniwala sa pag-aaral na ito.