Award winning farmer... Zennor Hydroponics Farm
Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang matagumpay na pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman, award winning farmer at dating journalist na tubong Zambales.
Ang aking tinutukoy ay si Rafael Pagaling, owner ng Zennor Hydroponics Farm sa Salaza Palauig Zambales.
Sa galing ni Pagaling sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halamam sa pamamagitan ng conventional at hydroponics method ay humahakot ng mga pagkilala o award hindi lamang sa mga award giving body sa bansa kundi maging internationally.
Kakaiba ang estilo ng pamamaraan ng pagtatanim ni Pagaling sa lupa man o sa tubig ay napapaganda niya ng husto ang kanyang mga tanim.
Aniya, una sa kanyang sekreto ay Tender, Love and Care (TLC). Ibinibigay niya ang atensiyon sa kanyang bawat tanim, kaya naman sinusuklian siya ng mga halaman ng masaganang ani.
Nagsimula lamang magtanim si Pagaling sa mga scrap materials o patapon nang bagay tulad ng mga styrobox, sirang gulong ng sasakyan, container, sako, timba at iba pa.
Patuloy na nagsaliksik at pinag-aralang mabuti ni Pagaling ang mga klasipikasyon ng mga halaman hanggang makapagtayo ng isang green house, na naging dalawa at ngayon ay tatlo na.
Ang kanyang dating set up na urban container gardening ay isa na ngayong modern farm na dinarayo ng mga pamilyang bumibisita at mga estudyante na nag-o-on the job training (OJT) sa Zennor Hydroponics Farm.
Naniniwala si Pagaling na ginagamit siya ng Panginoon para i-share ang knowledge na pahiram sa kanya dahil ang Zennor Hydroponics Farm ay isa na ngayong learning site.
Ayon kay Pagaling, may memorandum of agreement (MOA) na silang pinirmahan ng Department of Agriculture Agricultural Training Institute (DA-ATI) para mag-aral at magsanay ang mga estudyante sa pagtatanim ng mga halaman sa Zennor Hydropon-ics Farm.
Ang Zennor Hydroponics Farm din ang siyang unang binigyan ng sertipikasyon ng Philippine Good Agricultural Practices Program (PHILGAP) sa Zambales dahil sa magandang practice sa pagtatanim.
Ang kagandahan pa sa Zennor Hydroponic Farm, karamihan sa kanilang ani tulad ng lettuce, sweet basil, mangga at iba pa ay ginawan nila ng produkto.
“Walang masasayang sa aming harvest, kapag hindi nabenta ang bagong harvest ay ipa-process namin at gagawing produkto,” ani Pagaling.
Sa pagbisita ng Masaganang Buhay Team sa Zennor Hydroponics Farm ay pinag-miryenda kami ni Pagaling ng masarap at masustansiyang sweet basil ice cream at puto lettuce.
Napa-wow!..sa sarap ang aking team sa mir-yendang inihain sa amin.
Sinabi ni Pagaling na ang farming is enjoyable and profitable.
Iniimbitahan ni Pagaling ang lahat, lalo na ang mga kabataan na magtanim tulad ng kanyang ginagawa.
Sa mga nais bumili ng mga produkto na harvest o by products at nais bumisita Zennor Hydroponics Farm ay i-text ninyo si Pagaling, huwag po tawag sa 0939-311-19-34.
Sa Linggo, August 4, 2024 ay mapapanood ninyo ang interview kay Pagaling at tour sa kanyang Farm sa Masaganang Buhay TV Show ng Magsasakang Reporter.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hang-gang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Face-book page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.
Nitong nakalipas na Linggo, July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.
STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.
- Latest