^

PSN Opinyon

VP nasa Germany, Pinas dinidelubyo

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Wala itong halong panunumbat. Walang mandato ang Vice President na sumaklolo sa mga kababayan nating­ bik­tima ng kalamidad. Pero komo ito ang ikalawang pinaka­ma­taas na pinuno ng bansa, dapat may konsensiya siyang ipa­dama ang kanyang malasakit at presensiya sa taumbayan.

Pero sa kasagsagan ng kalamidad, kasamang lumipad ni VP Sara Duterte ang pamilya sa isang personal trip sa Germany. Mismong Office of the VP ang kumumpirma nito.

Noong Vice President pa si Leni Robredo, laging dama ang kanyang personal na pagdamay sa mga sinalanta ng kalamidad. Ginagawa niya ito kahit pa binabatikos ng kan­yang mga detractors na “ma-epal”. Lahat ng gawin ni Leni, mabuti man ang pakay ay iniimbentuhan ng pangit na issue.

Matindi at mala-Ondoy ang perwisyo ng bagyong Carina na sinabayan ng habagat. Pero imbes na isaisantabi ang politika at makipagtulungan sa operasyon ng pamahalaan sa kabutihan ng bayan, ipinakikita ng Duterte camp ang kawalan ng pakialam at  todo hataw ang demolisyon sa administrasyon.

Ano’ng kabutihan ang maaasahan natin kung ibabalik sa poder ang mga iyan? Pulos personal na interes lang. Pagpapataba ng bulsa!

Noong magkaroon ng COVID pandemic, nagpasasa sa overpriced na halaga ng bakuna at kagamitang kaila­ngan sa pagsugpo nito. Huwag kalimutan ang Pharmaly na du­menggoy ng bilyones sa kaban ng bayan.

Ang POGO na sinabi mismo ni Duterte na mabuti ay nag-operate bilang sindikato sa kidnap for ransom at online scam. Gising mga kababayan. Pigilan ang mga diyablong nais mamuno sa baya

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with