^

PSN Opinyon

Buhay pahabain

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang pag-iwas sa pag-inom ng alak at paninigarilyo ay ipi­na­payo para humaba ang buhay. Narito ang iba pang paraan:

1. Maging maingat – Ang maingat na tao ay mahaba ang buhay, ayon sa report ng Terman life-Cycle Study. Ang maingat ay isang kasanayan ng pagiging organisado at di­siplinado sa iyong mga ginagawa. Ang maingat na tao ay maaaring mas alam ang kanilang pangangailangang pang­kalusugan. Pinipili niya ang mas masustansiyang pag­kain. Ipinapakita rin sa isang pag-aaral na ang mga batang hindi maingat ay namamatay ng maaga. Ang isang leksyon ay turuan ang ating mga anak na alalahanin ang kanil­ang kalusugan.

2. Isipin na bata ka pa – Kapag inisip mo na ikaw ay matanda na, mararamdaman mo na ikaw nga ay matanda na. Ngunit kung iisipin na ika’y bata pa ay ang iyong katawan ay susunod. Panatilihin na ikaw ay bukas sa mga bagong hamon at oportunidad kahit na ano pa ang edad. Pag-aralan ang mga bagong technology sa halip na ito ay iwasan. Makisalamuha sa mga mas bata sa iyo para mahawahan ng kanilang lakas. Kumain ng sapat, huwag manigarilyo, at tumulong sa komunidad.

3. Panatilihin ang aktibong isip – Gamitin ang utak. Kung hindi gagamitin, manghihina ito. Huwag agad na magretiro sa trabaho. Isaalang-alang ang pagbalik sa eskwela kahit na may edad na. Patuloy na gawin ang gusto mong gawin. Sa isang pag-aaral, ang mga taong patuloy na aktibo sa pagbabasa, pag-aaral at paglutas ng mga puzzle ay 50 percent na hindi magkaka- Alzheimers.

4. Manatiling payat – Bukod sa pagiging sobra sa timbang ay malinaw na isang kadahilanan ng panganib sa pag­taba­ ay ang sakit sa puso, diabetes at arthritis. Ang isang pag-aaral noong 2006 ng National Institute of Health ay nagpakita na ang pagtaas ng timbang ay konektado sa mas maikling buhay. Kaya maging masaya kung ikaw ay payat.

ALAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with