^

PSN Opinyon

Turbulence sa eroplano lumilimit, lumalakas

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SINGAPORE Airlines ang pinakamarangyang eroplano­ sa Southeast Asia. Pinaka-kumportable rin. Kaya pinaka­mahal ito. Pangmayaman.

Malaking balita na tinamaan ng “extreme turbulence” ang flight nito mula London patungong Singapore nu’ng May 21. Isang pasahero ang namatay at 71 ang nasaktan sa matinding pag-alog ng eroplano. Napilitan ito lumapag sa Bangkok para ipagamot ang mga sugatan, anim sa kanila malubha. Pati asawa ng nasawi ay inospital.

Walang pinipiling eroplano ang extreme turbulence. Ma­laki man o maliit, bago o luma, first class o economy, lahat maaring yugyugin. Nagbubunsod ng extreme turbulence ang mga bagyo, bundok at malakas na buga ng hangin o jet streams.

Kadalasan nade-detect ito ng weather radar ng eroplano kaya nakikita sa screen ng piloto. Nagbababala ang piloto na tutumbukin ng eroplano ang extreme turbulence kaya dapat mag-“fasten seatbelt”. Bawal tumayo ang mga pasahero at flight crew.

Boeing 777-300ER jumbo ng Singapore Airlines – Wikipedia photo

Pero ang tumama sa Singapore Airline ay “clear-air turbulence”. Malinaw pero malakas na hangin ito. Hindi nasi­simpat ng radar. Mabibigla na lang ang mga nasa eroplano.

Lumalakas at dumarami ang extreme turbulence dahil sa climate change, anang mga mananaliksik. Tumitindi ang init at lamig ng panahon, sumisirit o bumabagsak ang tempe­ratura, kaya humaharurot din ang hangin ng bagyo, bundok at jet streams.

Dumami nang 55 percent ang extreme turbulence mula 1979 hanggang 2020. Ulat ‘yan ng scientists ng Reading University, Britain. Dumami rin ang eroplano at flights, kaya mas marami ang malamang na tamaan.

Ayon sa mga eksperto, manatiling naka-seatbelt. Bawasan­ ang pagtayo at pagtungo sa toilet. Dagdag kong payo: dalasan ang pagdasal.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

AIRLINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with