Mukhang walang legitimate opposition sa larangang pulitika sa bansa. Ang tunay na oposisyon ang sandigan ng bawat Pilipinong may iisang adhikain para sa kabutihan ng lahat.
Ang tanging mayroon tayo ay mga timawang tagasalungat sa nakaupong administrasyon upang mang-agaw ng kapangyarihan. Ang kailangan ngayon ay totoong fiscalizer upang siguruhin na ang mga policy na ipinatutupad ng nasa kapangyarihan ay yun lamang walang batid ng personal na interes.
Sa ngayon, kung walang masilip na depekto sa administrasyon ay mag-iimbento ang mga ito. Katulad ng nag-viral na video ni President Marcos na sumisinghot umano ng cocaine.
Kung papansinin ang retrato, bagama’t may katiting na pagkakahawig, obvious na hindi ito ang Presidente kundi isa lamang kahawig niya na minanipula sa computer para maging mas kamukha. Pero hindi pa rin kuhang-kuha. Not convincing.
Nasabi ko ito dahil nakita ko ang orihinal na larawan. Talagang hindi siya.
Ano ba naman kayong mga alipores ni you know who. Napakalaki ng pondo n’yo para gibain si Marcos, bakit hindi kayo makapagpagawa ng something convincing and closer to reality?
Pati ba naman ang amo ninyo ay ini-scam ninyo? Aba’y lalong hihilahod ang kredibilidad niyan.