^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Hindi PWD-friendly ang rampa sa EDSA

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Hindi PWD-friendly ang rampa sa EDSA

INULAN ng batikos ang wheelchair ramp na ipinagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa EDSA Busway sa Philam station sa Quezon­ City. Hindi puwedeng daanan ng naka-wheelchair sapagkat matarik. Mahihirapang umakyat kahit pa may magtutulak sa wheelchair. At kung ma­ka­akyat naman ang PWDs, delikado naman sa pagbaba sapagkat bubulusok at magtutuluy-tuloy sa baba na maaring ikadisgrasya at ikamatay.

Nag-viral ang isang PWD na nag-try dumaan sa matarik na rampa. Hirap na hirap ang PWD habang pilit na isinasampa sa rampa ang wheelchair. Kahit may tagatulak ang PWD, hindi rin nito maisampa dahil matarik ang rampa.

Sabi ng PWD makaraang sumuko sa pagsampa sa rampa na dapat ay kinunsulta ng MMDA ang mga PWDs na gagamit ng rampa. Kung nagkaroon daw ng kunsultasyon sa PWDs, hindi magkakamali sa paggawa ang kontraktor. Dapat din daw kumunsulta sa arkitekto ang MMDA para nalaman ang tamang taas ng rampa. Sa tingin ng iba pa, nagkamali ang kontraktor sa pagsukat ng rampa kaya ito tumarik. Milyong piso ang ginastos sa rampa na galing sa buwis ng mamamayan.

Isinara na ng MMDA ang kontrobersiyal na rampa para ayusin. Ayon kay MMDA Chairman Don Artes, bubuhusan daw ng semento ang rampa para ma-reduce ang slope. Nabatid na 13 millimeters ang slope ng rampa na dapat ay 10 mm lang. Masyado itong ma­tarik at mahihirapang isampa ang wheelchair kahit pa may tagatulak ang PWDs na gagamit. Ayon pa kay Artes, aabutin ng dalawang buwan ang pagsasaayos ng rampa.

Doble-doble ang trabaho sa ginawang rampa na hindi sana nangyari kung nagkaroon ng konsultasyon sa PWDs bago ginawa ang rampa. Sa halip na isang gawaan lang ay nadoble at tatagal pa ng dalawang buwan. Saan dadaan ang mga PWDs sa panahong inaayos ang rampa?

Isa pang katanungan ngayon ay kung gagastos pa ba ang MMDA sa aayusing rampa? Kung gagastos, hindi na makatwiran ito sapagkat galing sa buwis ng taumbayan ang ginastos. Nasayang lang ang nagastos na milyones sa kontrobersiyal na rampa.

Pero ayon kay Artes, wala raw gagastusin ang MMDA sapagkat nangako ang private contractor ng ramp na sila ang magsho-shoulder nito. Hindi naman sinabi ni Artes ang kabuuang halaga ng nagastos sa pagpapagawa ng ramp na sa dakong huli ay naging dispalinghado.

Ang nangyaring maling pagkakagawa ng rampa ay magbigay na sana ng aral na kumunsulta muna sa mga sangkot na tao na gagamit ng proyekto para hindi na uulitin ang trabaho na dagdag gastos pa at abala.

vuukle comment

EDSA

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with