Mayor Lacuna-Pangan at Isko, magra-rumble sa Maynila!

MAGPI-face off sina Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at ex-mayor Isko Moreno sa 2025 midterm elections. Magandang laban ito, di ba mga kosa? Dating magkasangga sina Lacuna-Pangan at Isko subalit sa bandang huli ay pinag­hiwalay din sila ng pulitika. Get’s n’yo mga kosa?

Kung sabagay, kapwa naman qualified itong sina Lacuna-Pangan at Isko. ‘Ika nga, bahala na ang taga-Maynila kung sino ang pipiliin nilang mamuno sa kanila kasi naranasan naman nila ang serbisyo ng magkatunggali sa trono ng Maynila. Kaya lang umugong din na tatakbong mayor si ex-Sen. Manny Pacquiao at presidential sister Sen. Imee Marcos. Nakupooo!

Malapit na ang filing of candidacy sa Oktubre 8 at malalaman natin kung sinu-sino pa ang talagang tatakbong mayor ng Maynila, Dipugaaaaa! Ano pa nga ba?

Nagsimula nang lumutang si Isko saang sulok man ng Maynila. Sa event sa MOA kamakailan, hindi naman direk­tang dineklara ni Isko na tatakbo siya sa pagka-Mayor. Kaya lang paulit-ulit ang kanta ni Isko na: “I’m coming back to Manila,” kaya nabigyan ito ng meaning ng mga political observers ng siyudad. Sa latest survey ng Pulse Asia, si Isko ay nasa winning circle sa pagka-senador.

Mas nanaisin pa ni Isko na bumalik bilang mayor kung saan may tulog siya kay Lacuna-Pangan kaysa sure win n’ya sa pagka-senador? Habang incumbent Manila mayor siya, tumakbo sa pagka-presidente si Isko subalit hindi pinalad. Pumangatlo lang siya sa Maynila.

Subalit hindi dapat gagawing basehan ang pagkatalo ni Isko noong 2022 elections para husgahan na “laos” na siya. Artista si Isko at maraming gimik para kumbinsihin ang Manileño na iboto siya. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Si Lacuna-Pangan naman ay nagsimula na ring ma­nungkit ng boto ng mga Manileño. Ang tinutukoy ko mga kosa ay itong memo na ipinalabas ni MTPB OIC Narciso Diokno na ipinagbawal niya ang clamping at towing ng mga sasakyan sa kalye.

Matatandaan na mahigpit na binatikos ng Manileño itong clamping at towing dahil masakit ito sa bulsa. Kapag na-clamp ang sasakyan mo sa Maynila, matic na mabutas ang bulsa mo ng P900 at kapag biktima ka naman ng towing mahina ang P1,500 at lalaki ito depende sa kung saan igarahe ang sasakyan mo. Araguyyyyy!

Malufet ang MTPB at ayaw makinig sa reason. Basta mapuno lang ang bulsa nila ng pitsa, period! Ang memo kaya ni Domingo ay sapat na para makumbinsi ang mga biktima ng towing at clamping na iboto nila si Lacuna-Pangan? Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!

Open secret naman ‘yan na ni-retain ni Lacuna-Pangan ang ilang department heads na appointed ni Isko noong maganda pa ang relasyon nila. Kaya’t dapat tigpasin na ni mayora itong mga bataan ni Isko sa City Hall dahil hindi s’ya sigurado kung saan ang loyalty nila, di ba City Administrator Bernie Ang Sir?

Hindi lang ‘yan, maaring ang mga loyalist ni Isko ay magrereport sa amo nila ng mga katiwalian sa administrasyon ni Lacuna-Pangan na magagamit bilang black propaganda laban sa huli sa panahon ng kampanyahan. Eh di wow! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

‘Wag bibitaw mga kosa! Maglalabasan na ang mga baho! 

Abangan!

Show comments