Negosyante na, plantita pa Romsee's Farm

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang very inspiring na buhay sa pag-tatanim ng halaman ng isang ginang na negosyante na, plantita pa.

Ang aking tinutukoy ay si Siony Martinez, owner ng Romsee’s Farm na makikita sa 6045 Bambang, Bulakan Bulacan.

Si Siony ay matagal na sa garment business, bata pa lamang siya ay mahilig nang magtanim ng mga green leafy vegetables sa pamamagitan ng conventional farming o pagtatanim ng direkta sa lupa.

Malapit sa kanilang tahanan at garment business ay nakabili ng 250sqm na sukat na lote si Siony na ginawa niyang model farm, may presko at maaliwalas na kubo, at duyan, nakahanay at organized ang mga tanim sa kapaligiran.

Noong una ay libangan lang ni Siony ang pagtatanim sa kanyang luntiang farm.

Sa paglipas ng mga taon ay pinasok na rin ni Siony ang Hydroponics method of farming sa tulong ng isa sa kanyang kaibigan na si Benedict Mercolesia, na una ko na ring nai-feature dito sa aking kolum at sa Masaganang Buhay.

Ngayon ay kumikita na si Siony sa kanyang mga tanim dahil marami ang bumibili ng kanyang mga harvest na gulay at lettuce.

Maging ang mga tauhan at empleyado ni Siony sa garments ay nagbebenta din ng kanyang mga ani.

“Dati hobby ko lang, ngayon ay dagdag na negosyo ko na rin ang pagtatanim,” pahayag pa ni Siony.

Aniya, marami at malaki ang benepisyo na kanyang nakukuha sa pagtatanim.

Una, nawawala ang pagod niya, libre at masustansiya ang kinakain ng kanyang pamilya, nakakatulong pa sa pagpreserba sa Inang kalikasan.

Iniimbitahan ni Siony ang lahat, lalo na ang mga tulad niyang kababaihan at senior citizens na magtanim tulad ng kanyang ginagawa.

Sa mga nais bumili ng harvest na lettuce at gulay sa Romcee’s Farm, text ninyo si Si-ony, huwag po tawag sa 0917-327-92-53

Sa Linggo, July 28, 2024 ay mapapanood ninyo ang interview kay Siony at tour sa kanyang farm sa Masaganang Buhay TV Show ng Magsasakang Reporter.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hang-gang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

Show comments