Visit and experience a better Makati!

Excited much ang inyong lingkod sa bagong lunsad na local tourism program ng Makati!

Ginawa namin ang Visit and Experience a Better Ma­kati campaign kasi gusto naming ipakita sa ating mga kaba­bayan ang Better Makati. Marami silang makikita rito. May his­torical sites at pasyalan, mga malls, bars, restaurants, coffee shops at iba pa. At gusto rin naming ma-experience nila ang hospitality ng Makatizens.

Masaya ang Makatizens dahil hindi sila napapabayaan ng city government. ‘Yung magagandang programs, ginawa pa naming better.

Sa education, bukod sa libre ang lahat ng gamit sa eskwela, may libreng groceries pa ang mga students namin. Libre ang wifi, computer tablets at iba pang gadgets para sa pagtuturo­. Sa health, libreng pa-ospital at libre and main­tenance medication para sa hypertension at iba pang sakit. Libre ang bakuna at libre at unlimited ang dialysis at che­mo­therapy.

Ilan lang ‘yan sa mga programs during my term. Maganda na ang mga programs ng Makati noon pa pero para sa akin, hindi pwede ang pwede na. Dapat dagdagan at pagan­dahin. Dapat ang services, better.

Kaya sa mga kababayan natin sa labas ng Metro Manila, bisitahin nyo kami sa Makati para ma-experience niyo ang Better Makati.

Para sa aming sister cities and municipalities, may naka­laang discount at promotional vouchers na maaaring i-re­deem sa partner-merchants tulad ng mga hotel, bar, res­taurant, at spa. Panahon na para makita at maranasan din ng ibang lungsod kung papaano napagsasabay ang business at leisure sa Makati.

Bukod sa mga discount voucher at freebies, magbibigay din ang Makati ng mga libreng walking tour para sa mga bisitang delegado. Kasama rito ang mga tour sa Central Business District, Poblacion Heritage Sites, St. Alphonsus Mary de Liguori Church – Garden Way of the Cross, at pagbisita sa tanyag na Salcedo Market at Legazpi Market. Kaya mga kababayan, “Tara na! Experience a Better Makati!

***

Buong puso at pagmamalaking naging host ang Makati ng National Children and Youth Consultation on Disaster Risk Reduction (DRR) 2024 noong July 17 at 18.

Matapos buksan ang National Disaster Resilience Month ngayong taon kasama ang Creative DRR Education Program Development Training, patuloy na itinataguyod ng Makati ang pagiging inclusive sa pamamagitan ng pagbibigay ng pla­taporma kung saan ang mga bata at kabataan ay maa­aring aktibong lumahok sa pagbuo ng mga makabagong solusyon sa mga panganib sa klima at mga banta ng kala­midad.

Sa pakikipagtulungan sa Humanity & Inclusion - Philip­pines, Plan International Pilipinas, Save the Children Philippines, UNICEF, at World Vision Philippines, ang Makati City ay muling gumagawa ng mga hakbang para sa isang inclusive disaster risk governance.

Ang dalawang araw na kumperensya ay nag-focus sa pagpapalakas ng efforts tungkol sa climate resilience at DRR kung saan ang mga kabataan ang nasa sentro ng resilience building. Sa pamamagitan nito, binigyan natin ng plataporma at boses ang mga bata at kabataan na makibahagi sa mga hakbangin at plano tungkol sa disaster risk reduction and climate action.

Show comments