Nakakatakot at nakapagtataka talaga kung bakit muling pinag-aaralan ng kongreso ang divorce bill para ito ay isabatas. Ito’y nadisaprubahan na dati pero kailangan daw talagang isabatas para bigyan ang mag-asawa ng mapagpipilian upang makaalis sa di matitiis na kalagayan.
Ayon sa Saligang Batas, ang kasal ay isang institusyon na hindi dapat sirain. Sapagkat ito ang pundasyon ng pamilya na siya namang pundasyon ng bansa.
Meron nang batas (Family Code) na naggagawad ng remedy o sa mga di matitiis na kasal at pagsasama. Ito ay ang nagpawalambisa sa mga kasal na may pagsasamang di matitiis. Ito ay Family Code, na kinakailangan lang na baguhin.
Sa ilalim ng batas na ito binibigyan na ng karapatang maghiwalay ng legal ang mag-asawa kung di na matitiis magsama, tulad ng mga sumusunod (1) paulit-ulit na pambubugbog o pag-abuso sa asawa; (2) marahas na pagpilit sa asawa o anak, na maging puta; (3) pagkulong sa asawa ng mahigit anim na taon; (4) tangkang pilitin ang asawa na palitan ang pananampalataya o relihiyon at pulitiko; (5) pagtago ng pagiging adik o lasenggo, lasengga; (6) pagtago ng pagkabakla o pagka-tomboy; (7) nag-asawa muli habang kasal pa o bigamya (8) mga pagtataksil sa asawa; (9) pagsira sa karangalan ng asawa na walang dahilan (Article 55 FC).
Ang diborsyong minungkahi ay tinatawag na ganap na diborsyo (absolute) ay talagang di na kailangan. May mga batas nang naggagawad ng sapat na remedy o para makaalis sa di matitiis na pagsasama. Nagbibigay ito sa isang tapat malupit na asawa na makaiwas sa kanyang kalupitan para makapag-asawa muli. Ang mga anak ay nilalagay sa pinakamahirap na kalagayan at tinuturuan din ito na ituring na balewala ang kasal.
Kilala talaga ang Pilipino sa buong mundo na isang tapat na asawa. Kaya ang bagong batas na pinag-uusapan muli ay magsisira na reputasyong ito. Binibigyan ang mga mag-asawang tapat ng madaling paraan upang basagin ang pagsasama kaya ito nagbubukas ng pinto na mabasag ang relasyon at pagsasama tulad ng kasal at pagsasama tulad ng nangyayari sa ibang bansa. Kaya pagpinasa ito ang pag-ibig ay di magiging desisyon kundi emosyon na lamang.