^

PSN Opinyon

QC handa sa 3rd SONA ni PBBM

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

SA Hulyo 22, sa ating lungsod idaraos ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., partikular sa House of Represen­tatives sa Batasan Hills.

Metikuloso ang ating paglalatag ng mga plano pagdating sa seguridad at kaligtasan ng makasaysayang event na ito kasama ang Law and Order Cluster ng pamahalaang lungsod.

Katuwang din natin ang iba-ibang departamento, ahensiya at mga tanggapan sa pagpaplano at pagtatalaga ng mga tauhan bilang suporta sa gagawing deployment ng iba’t ibang ahensya ng pambansang pamahalaan.

Sa parte ng Quezon City Police District (QCPD), may itatalagang 6,500 pulis para tiyakin ang kaligtasan at kaayusan ng event.

Bilang suporta, daan-daang tauhan mula sa Department of Public Order and Safety, Task Force Disiplina, at mga barangay ang ipakakalat natin sa mga lugar sa paligid ng Kamara.

Maglalaan tayo ng dagdag na traffic enforcers mula sa Transport and Traffic Management Department (TTMD) para mapagaan ang daloy ng trapiko sa malalaking lansangan.

Gagamitin naman natin ang QCity Bus at iba pang mga barangay service vehicles para magbigay ng libreng sakay sa mga commuter na maaapektuhan ng SONA.

Sakaling may emergency, handa ang ating Disaster Risk Reduction and Management Office na tumugon. Naka-preposition na ang ating Emergency Medical Services, at Barangay Health Emergency Response Teams para mag­bigay ng agarang medical support at tulong.

Tuwing may SONA, nagsasagawa ng kasabay na pagtitipon at programa ang mga pro at anti-administration groups.

Para masigurong ligtas at maayos ang mga rally at pagti­tipon na ito, hinihikayat natin ang dalawang kampo na ma­kipag-ugnayan sa Department of Public Order and Safety (DPOS) para sa kaukulang permit.

Pinayuhan din natin sila na panatilihin ang kaayusan ng kani-kanilang mga hanay habang nagpapahayag ng kani-kanilang saloobin.

Patuloy na itinataguyod ng Quezon City ang karapatan sa malayang pamamahayag at matiwasay na pagtitipon dahil tayo ay isang demokratikong bansa.
Bilang mga Pilipino, umaasa ako na mananaig sa lahat ang pagmamahal sa bayan at kapayapaan.

SONA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with