1K na puhunan kumita na ng 5K Gelo's Lettucetry

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo very inspiring na buhay sa pagtatanim ng lettuce ng isang estudyante na nagsimula lamang sa 1,000 puhunan, ngayon ay kumikita na ng 4,000 to 5,000 kada buwan.

Ang aking tinutukoy ay si Angelo “Gelo” Bernardo, magpo-fourt year college sa Bulacan State University (BSU), Bechelor of Science Information Technology (BSIT) at owner ng Gelos Lettucetry na makikita sa Purok 6, Brgy. Carillo, Hagonoy Bulacan.

Self support student si Gelo, basta may oportunidad kumita ay gina-grab niya tulad ng pagtatanim ng lettuce in a cup at video editing para matustusan ang kanyang pag-aaral.

Ayon kay Gelo, namana niya ang hilig sa pagkakatanim sa kanyang mahal na ina na si Amelia. Para madagdagan ang kanyang kita ay inaral niya ang pagtatanim ng lettuce sa mga styrobox na hindi gaanong laborious.

Sinabi ni Gelo, hindi kailangang na diligan ang lettuce na kanyang itinatanim dahil sa tubig nakatanim o Kratky at Hydroponics method ang kanyang pamamaraan.

“Sa kanitong sistema ng pagtatanim, kapag napatubo mo na ang iyong lettuce ay hintayin mo na lamang ang 35 to 45 days ay aani ka na at kikita na ang pera,” pahayag pa ni Gelo.

Nagsimula si Gelo sa 1,000 puhunan mula sa anim na styrobox na kanyang pinagtamnan, kasama na ang seeds at A&B na liquid solution.

Pahayag pa ni Gelo, mabilis ang Return of Investment (ROI) sa pagtatanim ng lettuce dahil sa loob lamang isang buwan ay aani ka na. 

Ngayon ay kumikita na si Gelo ng 4,000 hanggang 5,000 kada buwan.

Hindi hadlang kay Gelo ang kahirapan sa buhay sa halip ay ginagawa niya itong tuntungan para pumalaot at umasenso ang buhay. 

Inpirasyon ni Gelo ang kanyang mahal na ina at pangarap nito na naiahon ang pamilya sa kahirapan.

Madali para kay Gelo na ibenta ang kanyang aning lettuce dahil ang una sa bumibili ng kanyang harvest ay ang mga kasama niya at itinuturing na kapamilya sa kanilang simbahan na CBCP Family.

“Malugod akong nagpapasalamat, una sa Diyos; pangalawa sa aking pamilya at pangatlo kina Pastor Ike Serapio, Pastora Gigi Serapio at Pastora Analita Aglipay na walang sawang gumagabay para maabot ko ang aking pangarap sa buhay,” sabi pa ni Gelo.

Plano ni Gelo na mag-expand pa ng kanyang mga tanim mula sa rooftop ng bahay ng kanyang lolo o kung may gustong tumulong sa kanya tulad ng Department of Agriculture (DA), Municipal Agriculturist ng Hagonoy o provincial Agriculturist ng Bulacan.

Sa mga nais tumulong para mapalawak pa ang taniman at hindi na rin mangupahan o magrenta ng apartment, ayan po si Gelo na nararapat na tulungan dahil taglay niya ang sipag, tiyaga, talino at dedikasyon sa ano man na kanyang ginagawa.

Iniimbitahan ni Gelo ang lahat, lalo na ang mga tulad niyang kabataan at estudyante na magtanim gaya ng kanyang ginagawa.

Sa mga gustong matuto ng Hydroponics method of farming ay willing si Gelo na ibahagi sa iba ang kanyang nalalaman o hiram na talento mula sa Panginoon.

Puwede ninyo siyang puntahan sa kanyang addres o apartment at magtanong sa kanya at magpaturo.I-text muna ninyo si Gelo dahil nag-aaral siya, huwag daw po tawag sa 0961-082-54-04.

Sa Linggo, July 21, 2024 ay mapapanood ninyo ang interview kay Gelo at tour sa kanyang Garden sa Masaganang Buhay TV Show ng Magsasakang Reporter.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Face-book page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group. 

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. 

STAY SAFE, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

Show comments