Talagang kaabang-abang ang mga darating na araw sa Davao City.
Tinatawag nga ito “interesting times” sa nasabing lungsod.
Ito ay dahil sa papalit-palit na appointment ng mga chief ng Davao City Police Office (DCPO).
Aba, pangatlong beses na itong pinalitan sa loob lamang ng isang araw. Nangyari ito noong Miyerkules.
Sabi, abangan daw sa mga darating na araw ang mga pagbabago pa.
Ito ay dahil pabagu-bago nga ang ihip ng hangin ng Philippine National Police (PNP).
Hindi mabatid kung sino talaga ang itatalagang DCPO chief.
Sa kasalukuyan ang DCPO ay pinamumunuan ni Col. Marantan.
Bago pa man ang pangyayaring ito na tatlong beses pinalitan ang DCPO chief noong Miyerkules, aba, pinag-relieve naman ang 19 na station commanders noong Lunes.
Ano na ba ang nangyayari sa Davao City?
Yan ang tanong nang maraming mamamayan dito,
Ano ba talaga Chief PNP?