^

PSN Opinyon

Babae na mabilis lumangoy, nanalo sa olympics ng mga sirena!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang swimmer mula Utah, U.S.A. ang tinaguriang “pinakamabilis na sirena” sa Merlympics, isang Olympics ng mga ‘sirena’!

Pinarangalan bilang “fastest mermaid in the world” ang 22-anyos na si Mia Sim sa ginanap na Swiss Merlympics sa Geneva, Switzerland. Noong bata pa si Mia ay paborito na niya ang Disney animated movie na The Little Mermaid. Bilang bata na malikot ang imahinasyon, nangarap na siya noon pa na maging sirena. Habang lumalaki, nakalimutan na niya ang pangarap na ito at mas nag-focus sa cheerleading at gymnastics.

Subalit napilitan siyang talikuran ang mga sports na ito nang magkaroon siya ng malalang foot injury at spinal problems. Dahil lumaki si Mia sa mga araw-araw na athletic activities nanibago ang kanyang katawan nang itinigil niya ang mga nakasanayang niyang sports.

Sinabihan siya ng kanyang doktor na subukan ang swimming dahil isa itong low-impact sport at makatutulong ito sa kanyang paggaling.

Noong 2020, natuklasan ni Mia ang tungkol sa Merlympics. Nagkaroon siya ng interes sumali rito dahil mapagsasama niya ang hilig niya sa sports at ang pangarap niya noon na maging sirena.

Upang maging isang ganap na “sirena”, kailangan niyang matutong lumangoy na may suot na buntot ng sirena na gawa sa silicone. Matapos makabili ng buntot ay pinaghusayan ni Mia ang pag-eensayo sa loob ng apat na taon. Pagdating ng 2024 Merlympics ay nakamit niya ang Top 15 sa overall rankings at Top 1 sa speed event.

Ang Merlympics ang ginaganap every two years sa Switzerland. Ang bawat sirenang kalahok dito ay kailangang sumali sa limang events: ang Ecology, Figures, Underwater posing, Rescue at Speed.

Sumali si Mia bilang individual athlete sa Merlympics ngunit pagkatapos ng event ay isinali na siya bilang member ng Team USA. Sa ngayon ay naghihikayat siya ng iba pang mga “sirena” sa kanila sa Utah na ma­ging miyembro ng kanilang national team.

Sa panayam kay Mia, nais niyang maging inspirasyon sa lahat ng makakabasa ng kanyang karanasan na ang mga maliliit na hadlang na kahaharapin ay maa­aring maging daan para matupad ang matagal ng pinapangarap.

vuukle comment

U.S.A.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with