^

PSN Opinyon

Chinese spy, gumagastos para makalaya!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Mahigit 35,000 na pictures ng military camps, business districts at government installations ang nasilip ng mga operatiba ng Anti-Cybercrimes Gorup (ACG) ng PNP sa mga gadgets at hi-tech communication equipment’s na nakum­piska sa Chinese spy na si Yuhang Liu. Sanamagan! Parang turista lang si Yuhang, ‘no mga kosa?

Halos tatlong araw ding sinipat ng taga-ACG ang kaga­mitan ni Yuhang gamit ang kanilang “tools” para ma-extract ang laman ng mga ito. Binigyan ng korte sa Quezon City ng 10 araw para alamin ang laman ng gadgets ni Yuhang. Isusumite ang findings sa korte sa loob ng “sealed” enve­lope. Dipugaaa! Ang sakit sa bangs nito!

Sinabi ng mga kosa ko sa ACG na kasama sa mga pic­tures na nakita nila sa gadgets ni Yuhang ang military camps, tulad ng Fort Bonifacio, Camp Crame, Camp Aguinaldo, Coast Guard, Philippine Navy, embassies ng United States at Japan, mga business districts at government installations. Ang masama lang, puro Chinese characters ang nakasulat kaya hindi nila maintindihan.

Ang resulta ng kanilang paninilip ay ibinigay na kay CIDG director Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco at bahala na siyang magkamada para gawing ebidensiya ito laban kay Yuhang. Ang mga tauhan ni Francisco na ang mag-a-analyze ng findings ng ACG para ikabit sa kanilang affidavit at iba pang ebidensiya laban kay Yuhang. Ang CIDG ang magpa-file ng kaso laban kay Yuhang Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Dahil malapit nang mabulgar ang tunay niyang pagkatao, kumikilos naman ang kampo ni Yuhang para mapa­laya siya at matakasan ang mga kaso. Ayon kay Col. Joel Ana, ng CIDG National Capital Region nagpiyansa ang kampo ni Yuhang ng P30,000 sa kasong paglabag ng ali­­tuntunin ng National Telecommunication Commission (NTC) na isinampa laban sa kanya.

May nagmamadali pa nga na i-release si Yuhang sa Camp Crame custodial center. Pitsa pa more! Gumagastos talaga ang kampo ni Yuhang para lang matakasan niya ang hustisya sa Pinas. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Kaya lang bago i-release si Yuhang, kumilos si Ana at inilipat ito sa custody ng Bureau of Immigration (BI) para humarap sa iba pang kaso. Iginiit ni Ana na may kasong isasampa ang BI laban kay Yuhang dahil expired na ang mga dokumento niya para manatili sa Pinas.

Ayon kay Ana, ang pag-bail ni Yuhang ay hindi alam ng kanyang legal team. ‘Ika nga, pinalusutan din ang mga abogado niya. Sa pananaliksik ni Ana, may isang Chinese na lumakad ng piyansa ni Yuhang. Malakas ang paniniwala ni Ana na “big fish” si Yuhang dahil minadali ng kampo niya na makalaya siya. Araguyyy! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Ayon pa kay Ana, ang inter-agency task force na, kasama ang ISAFP, ang kikilos para hindi matakasan ni Yuhang ang mga kaso niya sa Pinas. Ang pagpiyansa ni Yuhang ay nagpatotoo lang ng inireport niya sa China na “madali lang patayin ang mga Pinoy dahil suwapang sa pera!” Dipugaaa! Dapat isaksak ng mga Pinoy sa baga ni Yuhang na hindi totoo ang pinagsasabi niya! Abangan!

ACG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with