KABAG ang tawag sa hangin sa tiyan. Nangyayari ito kapag ang hangin ay hindi nailabas ng pagdighay at pag-utot. Nabubuo ito sa bituka at nagbo-bloat.
May pagkakataon na ito ay matigas at sobrang sakit at nangyayari kung sobra ang hangin sa tiyan. Kung maaalis ang hangin, mawawala ang sakit.
Kaugnay din dito ang LBM at lactose intolerance.
Dahilan sa pagkakaroon ng hangin sa tiyan ang mga pagkaing matataba. Nagdudulot din ng hangin ang beans, at ilang gulay.
Ang pagkakaroon ng hangin sa tiyan ay resulta rin ng stress, labis na pag-aalala at paninigarilyo.
Para maiwasan ang kabag nararapat na bawasan ang mamantikang pagkain. Napapatagal kasi nito ang pagtunaw ng pagkain.
Bawasan din ang mga pagkaing nagbibigay ng hangin sa tiyan gaya ng beans, peas, repolyo, sibuyas, broccoli, cauliflower, pasas, prunes, bran cereals at muffins.
Itigil ang pag-inom ng soft drinks dahil nagdudulot ito ng hangin sa tiyan.
Iwasan din ang pagkain ng chewing gum at matigas na candy.