QC gov’t, ISO 9001: 2015 certified na!

Maganda ang simula ng Hulyo para sa inyong pamahalaang lungsod matapos tayong magtamo ng isa na namang pagkilala sa ating mga proyekto, programa at serbisyo para sa QCitizens.

Sa ating flag ceremony nitong Lunes, pormal nating tinanggap ang ISO 9001: 2015 certification mula sa TÜV Rheinland Philippines Inc. para sa 22 na departamento at opisina ng lokal na pamahalaan.

Kasama kong tumanggap sa pagkilalang ito mula kay TUV Rheinland Philippines Inc. Managing Director Engr. Tristan Arwes Loveres sina Vice Mayor Gian Sotto, mga konsehal, at ating department heads.

Ipinakikita ng ISO Certification na ito na pasok sa international standards ang mga sistema at pamamahala ng lungsod.

Ang ilan sa mga nabigyan ng certification ang Office­ of the City Mayor, Office of the City Administrator, City Accounting Department, City Budget Department, Business Permits and Licensing Department, City Civil Registry De­partment, City Treasurer’s Office, City Planning and Development Department, City General Services Department, City Legal­ Department, Department of Building Office, Human Re­­sources Management Department, Information Technology and Development Department, Market Development and Administration Department, Office of the City Assessor, Procurement Department, QC Tourism Department, QC Health Department at Social Services Development Department.

Kasama rin ang tatlong ospital ng lokal na pamahalaan na Quezon City General Hospital, Rosario Maclang Bautista General Hospital at Novaliches District Hospital.

Dumaan sa masusing mga training at auditing ang mga opisinang ito para masiguro na sila ay nakasusunod sa ISO standards.

Patunay ang sertipikasyong ito sa pangako ng lokal na pamahalaan sa dekalidad na serbisyo. Makaaasa kayo na patuloy naming pagbubutihan ang aming handog sa lahat ng QCitizens.

Show comments