^

PSN Opinyon

Pharmally mabubuhayan sa pagbalik ng COVID

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MAKAKAPAGBALIK-RAKET ang Pharmally at mga kasapakat sa gobyerno. Dumarami na naman ang naiimpekta ng COVID, at kasabay n’un ang pagpakyaw ng pandemic supplies. Nakakalaya pa ang mga nandambong nu’ng 2020-2021. Ni hindi nakasuhan ang mga protektor. Tila mainam magnakaw.

P12.5 bilyon ang kinulimbat ng Pharmally sa gobyerno sa loob lang ng dalawang taon. P625,000 ang kapital nu’ng 2019. Walang anumang karanasan, walang emple­yado, walang opisina, walang bodega, walang sasakyan. Nalugi nang P25,550 nu’ng unang taon.

Pero may koneksyon ito sa taas. ‘Yon lang ang mahalaga.

Kompanyang Chinese ang Pharmally. Nu’ng Mar. 2020 binalatuan ito ng Procurement Service-DBM ng kon­tra­tang P7.5 bilyon.

Screen grabmulaYoutubesapagdinigsaSenado Sept. 24, 2021 — Philippine Star

Nag-deliver ang Pharmally ng mga pal­pak o pekeng face masks, face shields, personal protective equip­ment, thermometers at test kits. Nagsiyasat ang senado nu’ng 2021. Sa gitna ng hearings, umorder ang PS-DBM sa Phar­mally ng dagdag pang P5 bilyong palsipikadong supplies.

Binalatuhan ng PS-DBM ang iba pang mga kumpan­yang Chinese. Kabuuang P42 bilyon ang winaldas. Isa sa mga kumontrata ay China state firm na nagbebenta ng mga makinang pangsaka. Inetsapwera ang mga matitinong Pili­pinong suppliers.

Si Chinese national Yang Hongming, alyas Michael Yang, ang nagpuhunan sa Pharmally. Special Economic Adviser siya ni President Rody Duterte mula 2018. Namamayagpag siya sa Davao City noon. Ngayon hindi na alam kung nasaan siya.

Itinalaga ni Yang sa Pharmally ang mga katotong Chinese: si Huang Tzu Yen bilang chairman, at Lin Weixiong bilang finance manager. President si Twinkle Dargani, treasurer si Mohit Dargani, at directors sina Linconn Ong at Justina Garado. Binigyan sila ng Pharmally ng mamahaling Lamborghini, Porsche at Lexus. 

COVID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with