^

PSN Opinyon

Nalugi sa resort, kumita sa pagtatanim...Eostre Integrated Farm

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang magandang journey ng isang lettuce farmer sa Nagcarlan, Laguna na nalugi sa kanyang resort pero kumita sa pag-tatanim.

Ang aking tinutukoy ay si Joseph Lee Corpuz, owner ng Eostre Integrated Farm ng 5475 Calauan Nagcarlan Road, Brgy. Manaca, Nagcarlan Laguna.

Ayon kay Joseph, isang buwan bago magkaroon ng pandemya ng COVID-19 ay ka-bubukas lamang ng kanilang resort.

Nagkaroon ng lockdown sa iba’t ibang panig ng bansa partikular sa Laguna kaya walang pumupunta, namamasyal at nagbabakasyon sa kanilang resort hanggang malugi.

Dahil sa lockdown at wala siyang pinagkakaabalaan, kaya naisipan niyang mag-tanim sa mga bote na kanyang isinabit sa kanilang bakod.

Ayon kay Joseph, noong una ang ginagawa niyang pagtatanim ay para magkaroon sila ng makakain ng kanyang pamilya at libangan na rin niya dahil wala siyang gina-gawa.

Hanggang tangkilikin ng kanyang mga kabarangay ang kanyang mga ani at unti-unti ay kumita siya sa pagtatanim.

Mula sa pagtatanim sa mga bote ay nagtanim na rin siya sa mga styrobox, nagkaroon ng green house at maging NFT ang kanyang method of farming.

“Unti-unting lumaki at lumawak ang aking taniman dahil sa loob lamang ng 40-days ay nakakapag-harvest na ako,” ani Joseph.

Bukod sa NFT Hydroponics method of Farming ng iba’t ibang variety ng lettuce ay nagtatanim din sa lupa si Joseph na kung tawagin ay conventional farming.

Sa ngayon, maging sa silong, sa loob ng kubo at loob ng bahay ay may tanim na rin si Joseph.

“Outdoor at indoor plant ay nagtatanim na rin ako ngayon at patuloy pa akong nag-aaral at nananaliksik ng mga makabagong pamamaraan ng pagtatanim,” sabi ni Jo-seph.

Maganda ang location ng farm ni Joseph dahil nasa gilid sila ng highway at nakikita ng mga matorista ang kanyang magagandang tanim.

Bukod sa paghahalaman ay nag-aa-laga rin ng rabbit si Joseph at ang manure ng kanyang mga alaga ang siyang ginagamit niya bilang natural o organic na pataba sa kanyang mga tanim na talong, okra at iba pa.

Ang dating swimming pool ay pinaplano na rin ni Joseph na i-convert sa Aquaponics method of farming o isda sa ilalim at halaman sa ibabaw.

Nagbebenta na rin ng mga punla, seedlings at hydroponics farm material at nag-a-asemble ng green house si Joseph kung saan ay dinarayo na siya ng mga kostumer.

Nagka-conduct rin ng libreng seminar si Joseph sa mga gustong matuto ng pag-tatanim sa pamamagitan ng hydroponics method of farming.

Sa mga gustong bumili ng mga produkto ni Joseph at nais matuto ng pagtatanim ay i-text lamang ninyo siya sa 09183536745.

Sabahin lamang po ninyo na nabasa ninyo sa kolum ng Magsasakang Reporter sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ang kanyang magandang journey sa pagtatanim.

Sa Linggo July 7,  2024 ay mapapanood ninyo ang interview kay Joseph at tour sa kanyang farm sa Masaganang Buhay TV Show ng Magsasakang Reporter.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.

STAY SAFE, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

COVID-19

FARM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with