^

PSN Opinyon

P300 milyon road project sa La Union dinedma ng vice governor

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Labis ang pagkadismaya ng mga umaasang magsasaka ng Santol, La Union dahil sa pagkaantala ng P300-milyong Ramut-Puguil farm-to-market road na bahagi ng mga proyektong pangsakahan ng Philippine Rural Development Plan (PRDP) ng Department of Agriculture na popondohan ng World Bank.

Tatlong buwan na itong nakabinbin sapagkat hindi inaaprubahan ng mga kagawad ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng La Union na pinamumunuan ni Vice Governor Mario Ortega. Makupad ang mga taga-SP na aksiyunan ang resolution.

Dahil sa padedma ng SP sa proyekto, nanganganib mawala ang pondo. Kumpleto naman ang requirements at papeles na isinumite ni La Union Governor Raphaelle Veronica Ortega-David.

Hindi raw nagkulang sa pag-follow-up sina Ortega-David sa SP at project managers ng DA, upang umabot sa June 16, 2024 deadline.

Pinangangambahan ngayon na mapunta sa ibang probinsya ang P300 milyong proyekto. Tiyak na maglalaho ang siguradong benepisyo ng mga magsasaka ng Santol at pati pag-unlad ng ekonomiya ng buong La Union.

Pahayag ni Ortega-David at mga magsasaka sa mga taga-SP: “Kung gusto may paraan, kung ayaw maraming dahilan”.

Ayon kay Ortega-David, hindi sinasabi ng mga taga-SP ang dahilan bakit natatagalan ang kanilang pag-apruba sa proyekto. Wala raw man lang Committee Report kung saan nakasaad ang mga dahilan bakit nabinbin ito sa mga kamay nila.

Ano kaya ang dahilan at nag-aatubili ang mga taga-SP na aprubahan ang Ramut-Puguil farm-to-market road?

Dahil kaya sa 2025 midterm elections?

Wala ba silang budhi at mas isinasaalang-alang ang pampulitikang interes kaysa kapakanan ng mga nasasakupan?

* * *

Para sa reaksiyon o komento, i-send sa: [email protected]

LA UNION

PLAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with