^

PSN Opinyon

Mga gagawin kung nai-stress

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Lahat nang tao ay nai-stress. Paano malalaman kung stressed ka na? Gawin ang tatlong bagay:

1. Suriin ang pulso. Ang tamang pulse rate para sa matatanda ay sa pagitan ng 70 hanggang 80 na tibok bawat minuto. Kung ang pulse rate ay mas mataas sa 80 bawat minuto, ito ay posibleng ikaw ay may stress. Maglaan ng ilang sandali para bilangin ang iyong pulse at simulan tantiyahin ang stress level. Para hanapin ang iyong pulso ipatong ang una at pangalawang daliri sa pulso na malapit sa wrist. At tignan ang iyong relo at magset ng timer sa 1 minuto at bilangan ang tibok nito.

2. Bilangin ang paghinga. Para sa matanda ang average na paghinga ay 12 hanggang 16 bawat minuto. Kung kayo ay humihinga ng mas higit pa sa 16 kada minuto, baka ikaw ay may stress. Mag set ng timer para sa 1 minuto at bilangin ang pag­hinga. Huminga lamang ng normal habang binibilang ang hininga.

3. Tingnan ang ibang senyales sa iyong katawan. Ang stress ay nagpapahiwatig ng iba pang sintomas sa ating katawan. Halimbawa, ang iyong tiyan ba ay nakararamdam na para bang buhol-buhol at maasim. Masakit ba ang iyong ulo. Nakaramdam ka ba ng paninigas sa iyong leeg at balikat.

Paano malalampasan ang stress?

1. Gamitin ang stress hormones para lumakas – May taong mas gumagaling kapag may hamon sa buhay. Mas nakaka-concentrate, mas nagkakaroon ng lakas, mas nakaka-trabaho at nakakaaral. Ang stress ay naglalabas ng isang hormone, ang epinephrine na kung paminsan-minsan lang ay nakatutulong sa konsentrasyon at lakas.

2. Gawing positibo ang negatibong pangyayari. Ibahin mo pananaw mo. Baka good stress ‘yan at hindi bad stress. Ang mga atleta ay mayroong stress at tumataas ang lakas nila. May mga estudyante na kapag may deadline ay mas gumagaling sa eksamen. Wala sa kontrol natin ang stress. Ngunit magagawa mong harapin ito.

3. Gamitin ang stress para maging ligtas. Halimbawa: ­naglalakad ka mag-isa sa gabi o naglalakad sa matarik na lugar. May tulong ang stress dahil mas alerto ka, mas malakas at handang lumaban. Ang mata at pandinig mo ay mas matalas din.

4. Huwag papatalo sa stress. Maging positibo kahit anong hamon sa buhay. Huwag din matakot sa stress. Bawasan ito. Pero tuloy pa rin ang trabaho at buhay mo. Maraming mga bagay na pwede mo magawa para kontrolin ang sitwasyon. Gumawa nang malalim na paghinga, ikot-ikutin ang ulo para lumuwag ang pakiramdam sa bahagi ng leeg at balikat. Basain ang mukha sa pamamagitan ng malamig na tubig. Patulong ka sa pamilya at kaibigan mo. Mag-ehersisyo ng regular.

5. Tumulong sa kapwa para mabawasan ang stress. Magandang sikreto iyan sa buhay. Kapag abala ka sa pagtulong, makakalimutan mo ang stress.

6. Narito pa ang dagdag tips kung nai-stress: Huminga nang malalim at mabagal, mag-stretch at mag-lakad-lakad, matutong tumanggi kung hindi mo na kaya, kumausap ng positibong kaibigan, ayusin ang isipan, huwag idaan sa alak, sigarilyo at bisyo, makinig sa music at magpahinga.

STRESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with