Daming requests kay VP Sara

Lumalabas na maraming requests kay Vice President Sara Duterte noong hindi pa siya nagbibitiw na secretary ng Department of Education (DepEd).

Sa sobrang dami nang requests sa kanya, minabuti na lang niya na bumitiw sa Cabinet ni President Ferdinand Marcos Jr.

Wala naman daw pondo para sa DepEd.

Dahil wala namang pondo na ibinigay sa DepEd eh, di wala rin siyang maibigay sa mga umaasa sa opisina niya.

Kaysa naman daw paasahin ni Sara ang mga guro na nangangailangan ng tulong.

Ganundin ang libu-libong estudyante na nanga­ngailangan din ng tulong mula sa kagawaran.

Wala! Waley eh.

Mas mabuti pang iba na lang ang maging DepEd Secretary.

Baka puwede pa sigurong bigyan ng budget.

Sana naman maiayos ang lahat ng gusot sa DepEd para sa ikakabuti ng mga nangangailangang guro at ganundin ang mga estudyante.

Show comments