^

PSN Opinyon

Ang kasaganahang hatid ng bawat baso ng gatas

KasamBuhay - Jing Castañeda - Philstar.com
Ang kasaganahang hatid ng bawat baso ng gatas
Kasabay ng pagdiriwang ng World Milk Day ay ang sama-samang pagkilos para mas mapaunlad pa ang industriya ng gatas.

May malaking bahaging ginagampanan ang gatas sa ating lipunan. Bukod sa paghahatid ng nutrisyon at pagpapasarap sa mga paborito nating pagkain, mahalaga ang papel nito sa food security at ekonomiya ng ating bansa. 

Ipinagdiwang natin kamakailan ang World Milk Day kasama ang ilan sa mga nangungunang lider at eksperto pagdating sa gatas at dairy industry, sa pamamagitan ng isang forum na binuo ng Alaska Milk Corp. (AMC).

Bilang moderator sa diskusyon ng pangunahing mga stakeholder, naging sentro sa forum ang kanilang mga layunin na patibayin pa ang ating lokal na dairy industry, para sa kapakanan ng ating dairy farmers, at sa pagpapataas ng kalidad ng gatas na nagagawa sa Pilipinas. 

Kasama sa pagtitipon ang mga lider ng dairy industry mula sa Department of Agriculture (DA), Department of Education (DepEd), at ang National Dairy Authority (NDA), pati na ang University of the Philippines Los Baños (UPLB). 

Kontribusyon ng gatas at dairy industry sa ekonomiya

Libu-libong pamilyang Pilipino ang sinusuportahan ng industriya ng dairy farming. Ayon kay NDA OIC-Admistrator Atty. Gavino Alfredo C. Benitez, ang dairy farming ay maasahan bilang “pinagmumulan ng kita, at sa pagsulong ng rural development. Sa National Dairy Authority, saksi tayo sa pag-angat ng maraming komunidad simula nang magkaroon ng maayos na kita ang ating mga stakeholder.” 

“Ang milk-feeding programs ng Department of Education at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay naghahatid ng maaasahang market sa ating mga lokal na dairy farmers,” dagdag ni Atty. Gavino.

(L-R) Department of Agriculture Asec. Benjamin Albarece, UPLB Institute of Human Nutrition and Food Prof. Liezel Atienza, Dr. Menandro M. Loresco ng UPLB Dairy Training and Research Institute, Magdalene Cariaga ng DepEd, AMC Marketing Director Estela Grace Estacio, at ang awtor.

Ang programa ng DepEd na nabanggit ni Atty. Gavino ay ang school-based feeding program para sa kabataan sa kinder hanggang grade six, kung saan sila binibigyan ng gatas bilang suporta sa kanilang nutrisyon.
Ayon kay Ms. Magdalene Carriaga, ang School-based Feeding Program ng DepEd ay nakatutulong para pagandahin ang “cognitive abilities at pag-aaral ng mga bata. Kapag maayos ang nutrisyon ng isang bata, maayos din ang pag-aaral niya.”

Samantala, ang DSWD ay mayroong sariling Supplementary Feeding Program sa child development center ng mga barangay.

Ayon sa isang pag-aaral ng National Institutes of Health ng US, laganap pa rin ang suliranin ng stunting sa ating kabataan, kung saan isa sa limang (1 out of 5) batang edad limang taon pababa ang apektado nito dahil sa malnutrisyon.

Gatas ang isa sa pinakamaaasahang pinagmumulan ng nutrisyon para sa balanseng diet, dahil mayroon itong high-quality proteins, vitamins, at minerals — pundasyon para sa mas malusog na pangangatawan. 

“Nutrient-dense na inumin ang gatas,” paliwanag ni UPLB Director of the Institute of Human Nutrition and Food Professor Liezel Atienza. “Ang isang baso nito ay may calcium, protein, potassium, at iba pang bitaminang kailangan na katumbas ng iba pang mga pagkain.” 

Mahalaga ring tandaan na, ayon kay Professor Liezel, ang mga kapalit ng gatas ay hindi pa rin kayang tumbasan ang nutritional value nito. 

Bilang isang advocate ng kalusugan at kabataan, naniniwala rin akong hindi natin maaaring ipagwalang-bahala ang kontribusyon ng gatas pagdating sa usapin ng food security dahil sa dali nitong bilhin at sa hatid nitong nutritional benefits. 

Tarang Gupta, ang Managing Director ng Alaska Milk Corporation, at Ambassadress Marielle Geraedts mula sa Kingdom of the Netherlands to the Philippines, sa 2023 Capacity Building Project of the Philippines-Netherlands Dairy Development Program.

Sustainable dairy farming, para sa ekonomiya

Nabanggit rin ni Atty. Benitez ang isa sa mga mahahalagang bahagi ng dairy industry, ang dairy farming at produksyon nito. Kung itataas pa natin ang pagtangkilik sa gatas, nabibigyan natin ng tamang suporta ang iba pa nating mga kababayan at natutulungan ang ekonomiya.

“Ang kabuhayang nakukuha nila mula sa industriya ng gatas ang nakatutulong sa kanila para mabigyan ng magandang edukasyon ang kanilang anak, matutukan ang kalusugan, at maitaas ang antas ng pamumuhay. Ito ang kabutihan ng gatas — naghahatid ng pag-unlad, at nagbabago ng buhay sa bawat baso,” ani Atty. Benitez.

Aminado naman ang ating mga kasama na malayo pa ang maaari nating marating sa partikular na sektor na ito. Sa totoo nga, ang National Dairy Industry ay 25 taon pa lamang simula nang maitatag, napakabata kung ikukumpara sa ibang mga institusyon natin.

Dahil dito’y talagang kahanga-hanga ang paninindigan ng mga kompanya tulad ng FrieslandCampina, ang mga bagong nagpapatakbo ng AMC, para umunlad ang industriyang ito sa ating bansa.

Ang pagsulong ng sustainable dairy farming ang isa sa mga prayoridad ng AMC. Kabilang sa pamamaraan nito ang mga technique kung saan nababawasan ang anumang masamang epekto nito sa kapaligiran, tulad na lang ng modelo ng circular farming.

Ang Alaska Milk Corp. ay nakipag-ugnayan sa UPLB CAFS Dairy Training and Research Institute at naglunsad ng matagumpay na short course sa Dairy Nutrition, Forage Production, and Feeding Management na ginanap sa University of the Philippines–Los Baños.

Matagal na nating sinusuportahan ang Sustainable Development Goals ng United Nations, at naniniwala ako na ang mga inisyatibo tulad ng sustainable dairy farming ay kabilang sa mga dapat nating tutukan. Ang mga benepisyo nito tulad ng resource efficiency at waste reduction ay mga aspetong nais nating makita pa sa ibang mga industriya.

Tunay na marami pa tayong dapat gawin para mapaunlad ang industriya ng lokal na dairy farming.  Ngunit sa pagtutulungan ng mga institusyon tulad ng NDA at AMC ay malayo ang kaya nating marating. Patunay ito na ang gatas ay kaya ring magbuklod ng iba’t ibang grupo at sektor para sa iisang layunin.

Kinabukasang masagana sa bawat baso

Matatag ang paniniwala ng mga kasama nating panelist sa potensyal ng gatas na maging araw-araw na ka-partner sa paghahatid ng mura at epektibong pagkukunan ng nutrisyon. Kasabay nito, ayon kay AMC Marketing Director Star Estacio, ang mga milk brand ay may mahalagang papel din sa pagtupad ng pangarap na ito.

“Sa pag-educate ng mga consumer tungkol sa kumpletong nutrisyon na hatid ng gatas, at sa paninigurong abot-kaya ang dairy products, malaki ang kaya nating i-contribute para sa mas malusog na mga komunidad.” 
“Higit pa sa paghahatid ng mga produkto; ang commitment namin ay ang makapaghatid ng makabuluhang pagbabago at makatulong sa mga pamilya,” dagdag pa niya.

) Kasama ko sina National Dairy Authority OIC Administrator, Atty. Gavino Alfredo Benitez, AMC Corporate Affairs Director, Atty. Cashmer Dirampaten at Ambassadress Marielle Geraedts from the Kingdom of the Netherlands to the Philippines.

Ang pagpapabilang ng gatas sa ating diyeta ay isang kaugaliang nararapat na ipamana sa ating mga anak. Bilang mga magulang, tayo ang pangunahing modelong kanilang tinutularan. Bukod pa rito, ang gatas at iba pang dairy products ay nasa sentro rin ng iba’t ibang mga pagkain at putahe ng sari-saring kultura sa buong mundo.

Gaya ng sabi ni AMC Managing Director Tarang Gupta, “end-to-end o komprehensibo ang kontribusyon ng gatas sa bawat komunidad, nasa bukid ka man at nag-aalaga ng baka, o nasa bahay na naghahain ng masustansyang pagkain.

Mula sa mga naibahagi ng mga naging panauhin ng World Milk Day forum, mas tumibay pa ang halaga ng dairy products tulad ng gatas --- di lamang sa ating personal na kalusugan, kundi higit sa lahat, sa kalusugan din at kaunlaran ng ating mga komunidad. 

---

Panoorin ang Pamilya Talk sa Facebook at YouTube (@JingCastaneda – 12:00 noon – 1:00 p.m. Monday & Wednesday). Sundan din ang aking social media accounts: InstagramFacebookYouTubeTiktok, and Twitter.  Ipadala ang inyong mga suhestiyon at kuwento sa [email protected].

ALASKA

DAIRY

MILK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with