^

PSN Opinyon

Ha? ‘Di tatakbong Presidente si Sara?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Mukhang iba ang sinasabing political game plan ngayon ng mga Duterte, pero hindi kapani-paniwala. Hindi raw tatakbo si VP Sara for President kundi magme-mayor siya uli ng Davao City matapos ang kanyang termino bilang bise presidente.

Sa halip, ang utol niyang si Baste Duterte na mayor ngayon ng Davao City ang tatakbong Presidente. Pero bago iyan, si Baste ay tatakbo sa darating na midterm election sa pagka-senador sa susunod na taon, kasama ang kan­yang tatay na si dating President Duterte at kapatid na si Rep. Pulong Duterte.

Pero sa palagay ko, diversionary tactic lang ito para ilayo ang atensiyon sa pagtakbo ni Sara bilang Presidente at umiiwas sa katakut-takot na political demolition. Noong una kasi’y naghinala na ang marami na nag-aapurang mapuwesto sa panguluhan si Sara dahil sa ginawang protest rally ng kanyang kampo upang pababain sa kapangyarihan­ si Presidente Bongbong Marcos.

Kaya mukhang kakaibang taktika ang ginagawa nila ngayon upang mabura sa isipan ng taumbayan ang ganitong suspicion. Ganyan talaga sa pulitika. Kung kailangang magsinungaling, gagawin ‘yun para sa political survival.

Nabigo ang una nilang plano na patalsikin si Marcos­ na pinatindi lalo ng iba pang problems tulad ng isyu sa pag-aresto kay Duterte ng International Criminal Court at ng pagkakaabsuwelto sa kaso ng droga laban kay dating Sena­dora Leila de Lima.

Malamang nangangatog pati tutsang sa ilong ni Duterte sa bigat ng mga problemang pinapasan niya.

vuukle comment

DAVAO CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with