^

PSN Opinyon

Karma kay Digong

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

LALONG nalubog sa kumukulong lava si dating Presidente Rodrigo Duterte sa pagkakaabsuwelto ni dating Se­nador Leila De Lima sa huling kaso sa droga na inimbento ng admi­nistrasyon ng una sa kanya.

Siyempre, reresbak si De Lima dahil sa pitong taong pagkakakulong sa kanya dahil kay Duterte na humabi ng mga pekeng asunto na nagwasak sa reputasyon at dangal ng senadora. Sa paano’ng paraan gaganti si De Lima?

Sa masigasig na pakikipagtulungan sa International Cri­minal Court (ICC) na tumutugis kay Duterte dahil sa kanyang drug war na walang habas na kumitil sa maraming buhay sa pamamagitan ng extra judicial na paraan.   

Minsan pang napatunayan na ang masama ay hindi magwawagi kailanman sa kabutihan. Kaya nga aligagang lubha si Duterte at kanyang alipores na mapatalsik si Presidente Marcos.

But so far so good wika nga. Umaayon ang pagkakataon sa tama. Iniisip ko lang, eh kung alukin kaya ng Presidente si De Lima na maging DepEd Secretary, tanggapin kaya ni De Lima?

Siguro hindi dahil sa kabila ng acquittal ng kanyang kaso sa liderato ni Marcos, oposisyon pa rin siya.

Ngunit kung mangyayari ang ganyang senaryo, baka sumuporta ang buong partido liberal kay Marcos at ang maging lehitimong oposisyon ay ang kampo ni Duterte.

Wala lang. Naglulumaro lang ang malikot ko’ng imagination, hehehe.

ICC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with