^

PSN Opinyon

Kongreso lalabanan ba ang dynasties?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MAY depinisyon ang political dynasties. Nilabas ito sa ilang panukalang batas sa kongreso. Itinaguyod ito ng 2018 Consultative Commission na nagrepaso ng 1987 Constitution, sa ilalim ni ex-chief Justice Reynato Puno. Limampung eks­perto ang kasapi ng Commission.

Anila, nagkakaroon ng dynasty dahil sa sabay-sabay o sunud-sunod na paghalal sa mga malalapit na magka­kamag-anak. Nangyayari ito sa kongreso, probinsya, siyudad, at munisipalidad.

Hanggang second degree of consanguinity (kadugo) at affinity (sa kasal) ang depinisyon ng dynasty. Saklaw nito ang mag-asawa (pati kabit), magulang, biyenan, anak, manu­gang, kapatid, bayaw, hipag, lolo’t lola, at apo.

Ibinasura ni President Rody Duterte ang produkto ng itinatag niyang Consultative Commission. Ayaw niyang buwagin ang sariling dynasty. Pinanatili sa pambansa at lokal na puwesto ang tatlong anak na sina Paolo, Sara, at Sebastian.

2013 infographic ng halalan.up.edu.ph

Nu’ng 2022 nahalal na pangulo si Bongbong Marcos. Kasabay nu’n naging congressman ang panganay na anak na si Sandro. Nauna nang tatlong taon nag-senador ang kapatid na Aimee.

Nu’ng 2022 din nahalal sa senado ang dalawang mag-ina, dalawang magkapatid na buo, at dalawang magkapatid sa ama. Meron  silang mga kadugo o asawa sa mga dis­trito at lungsod.

Sa ganyang sitwasyon, maaasahan bang magsabatas sila kontra dynasties? Lalabanan ba nila ang pansariling interes at kabuhayan?

Anang mga dynasts, nahalal sila nang malaya at demo­kratiko. Sagot ng mga kritiko, ‘yun ay dahil walang ma­ti­nong­ kumadidato laban sa kanila. Aksaya lang ng pera at pana­hon na kumampanya kontra dynasts na kayang bumili ng libu-libong botante.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

POLITICAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with