Makulay na Linggo sa Makati: Gawad Kalikasan hanggang Rosas ng Sampiro Festival

Kumusta, Makatizens!

Busy na naman tayo sa napakaraming activities nitong nakaraang linggo. Bukod sa mga pang araw-araw na ganap­ sa City Hall at maraming bisitang ating tinanggap ay may dala­wang malalaking event tayo na gusto kong ibida sa lahat.

Unahin natin ang Gawad Kalikasan 2024, na ginanap noong June 20 sa Session Hall ng Makati City Hall. Dahil may ma­halaga akong engagement sa labas ng bansa ay si Vice Mayor Monique Lagdameo muna ang nagdeliver ng Second State of the Environment of Makati City Address.

Idinetalye dito ang latest achievements at efforts ng ating lung­sod sa pagpapalakas ng mga inisyatibong pang­kapali­giran na sumusuporta sa sustainable development at climate action.

Kabilang dito ang pagpapatupad ng mas mahigpit na waste management protocols, pagpapalawig ng green spaces, at pagpapabuti sa quality ng air at water sa ating komunidad.

Bukod pa rito, binigyang-diin niya ang pagtaas ng community engagement sa mga programang pangkalikasan, na nagpapakita ng lumalaking kamalayan at akti­bong partisi­pasyon ng bawat Makatizen sa pangangalaga sa ating kapa­­ligiran.

Ang Gawad Kalikasan Awards naman ay  isang haligi ng ating adbokasiya sa climate change dahil pinapalakas nito ang kooperasyon at involvement sa komunidad.

Sa pamamagitan ng pagkilala sa mga nangunguna sa cleaning and greening ng ating lungsod, hinahangad nating magsilbing inspirasyon ito sa mas marami pang barangay, paaralan, ahensya ng gobyerno, at maging pri­vate institutions na maging champions ng kalikasan.

***

Para sa mga naka-miss ng makulay, bongga, at super sayang cultural events sa Makati, siguradong nag enjoy kayo sa Rosas ng Sampiro Festival 2024.

Bilang culminating activity ng 354th Founding Anniversary celebration ng Makati, ito ay isang event na nagpapakita ng ating pagpapahalaga sa kultura at tradisyon.

Sa pamamagitan ng festival na ito, binibigyan natin ng pagkakataon ang ating kabataang Makatizens na maki­lahok at magpatuloy ng mga tradisyong bumubuo sa yaman ng ating kultura.

Ang Ayala Avenue corner Paseo de Roxas ay naging­ saksi sa makulay at masiglang pagpapakitang-gilas ng ating mga estudyante at komunidad sa kanilang mga ma­lik­haing kasuotan at sayaw.

Matagal na pinaghandaan ng participants ang kanilang performances. Hindi biro ang effort at pagod na ginugol nila para makapaghatid ng mga presentasyon na kahanga-hanga at memorable para sa ating komunidad.

Ang cultural events at selebrasyong tulad nito ay nagbi­bigay-diin sa kahalagahan ng pagpapanatili ng ating mga tradisyon para sa susunod na henerasyon.

Ang mga pagtitipong ito ay hindi lamang pagpapakita ng ating pagkakaisa kundi pati na rin ng ating malasakit sa kapaligiran, tradisyon, at  kultura.

Gusto ko ring magpasalamat at mag shoutout sa lahat ng naging bahagi ng selebrasyon para sa ating 354th Founding Anniversary. Naging makabuluhan ang month-long activities na napakaraming natulungan at napasaya.

Show comments