^

PSN Opinyon

Barangay kapitan, SK, tanod maari rin sumapi sa SSS

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Dating president/general manager ng GSIS si Rolando Macasaet. Ngayon ay president/CEO siya ng SSS. Mula sa dalawang pwesto nasimpat niya ang biyak sa sistema­. Milyun-milyong naghahanapbuhay na Pilipino­ ang walang social se­curity. Hindi sila makasapi sa GSIS, na pang-em­pleyado lang ng gobyerno. Hindi rin makasapi sa SSS, na pang-pri­badong sektor.

Nitong mga nakaraang linggo isinapi ni Macasaet ang 13,000 job order o casual employees ng Quezon City Hall at mga baranggay. Ganu’n din ang 3,800 health workers, mga tanod, at opisyales ng Sangguniang Kabataan ng 38 baranggay sa Taguig City. Isama pa ang 70 temporaryong kawani ng Science Education Institute, sangay ng Dept. of Science and Technology.

Sa kasunduan sa SSS sasagutin ng QC at Taguig local governments at SEI ang P575 buwanang kontribusyon nila.

Sa unang buwang kontribusyon pa lang magkakaroon agad sila ng death o burial benefit, halagang P70,000. Makalipas ang 36 buwang hulog, maari nang umutang pang maternity, emergency, calamity, salary, at edukasyon; at disability benefits ku’ng mabalda. Makalipas ang 120 buwang hulog, magkaka-pensyon na sa pagretiro.

May 42,000 baranggay chairmen, at 420,000 councilmen at health workers at mga tanod. Bukod pa ang daan-daang libong SK officers, at dalawang milyong job order/casual employees sa gobyerno. Hinihikayat ni Macasaet na sumapi sila sa SSS.

Pinasasapi ni Macasaet ang milyun-milyong magbubukid at mangingisda. Hindi baleng maputol ang kontribusyon kapag masama ang ani o huli nila, sabi ni Maca­saet, basta ituloy ang hulog ‘pag kumita na muli. Ito’y para mapakina­bangan nila ang mga benipisyo ng SSS.

PNA Photo

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

SSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with