^

PSN Opinyon

Babae sa Colombia, pinagsabay-sabay na siniyota ang 7 senior citizens!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang babae sa Atlantico, Colombia ang nakakatanggap ng pambabatikos mula sa mga Colombian netizens dahil pinagsasabay-sabay nito na gawing boyfriend ang pitong pensiyonadong senior citizens sa kanilang lugar!

Pinag-usapan kamakailan sa buong South America ang babaing nagngangalang Lina na taga-Barranquilla City dahil sa weird na love life nito. Ayon dito, madalas palpak at laging nauuwi sa hiwalayan ang kanyang mga relasyon sa tuwing kasing edad niya ang kanyang mga boyfriend.

Sa kagustuhan na magkaroon ng mas emotional at financial stability ang kanyang love life, naisipan niya na subukan na makipagrelasyon sa mas matanda sa kanya. Nalaman kasi niya na gustuhin siya ng mga senior citizens dahil napansin niya noon na madalas makipag-flirt ang kapitbahay niyang matatanda sa kanya.

Upang makakilala ng mga pensyonado, madalas siyang pumunta sa mga park at iba pang mga lugar na tinatamba­yan ng mga malulungkot at single na matandang lalaki. Dahil sa kanyang estratehiya, nakabingwit siya ng pitong boyfriends, ito ay sina Carlos, Simon, Jesus, Pablo, Manuel at dalawa pa na ayaw ipagsabi ang kanilang pangalan.

Lahat ng mga ito ay sinusustentuhan si Lina at ang naka­kagulat pa ay kilala nila ang isa’t isa. Ayon kay Lina, payag ang pitong seniors na pagsabay-sabayin sila na gawing boyfriends. Bukod sa tulong na pinansiyal, tumutulong din ang mga ito sa kanyang mga gawaing bahay tulad ng paglalaba, pagluluto at paglilinis.

Nang tinanong si Lina kung paano niya pinaghahati-hati ang kanyang oras sa pitong lalaki, sinabi nito na may “rewards system” siya kung saan mas sasamahan niya ang lalaking may mas ma­laking naitulong sa kanya.

Nag-viral ang kuwento na ito ni Lina sa Latino netizens at maraming bumatikos sa kanyang lifestyle. Ilan ang nagsabi na hindi siya magandang halimbawa sa kanilang lugar at maraming nanga­ngamba na tularan siya ng mga kabataang babae na mag-take advantage sa mga matatanda.

Ilan din naman ang pabirong humanga sa kanyang diskarte at binati ito sa pagkakaroon ng source ng easy money. Ayon kay Lina, hindi niya papansinin at papatulan ang mga pambabatikos sa kanya dahil hangga’t walang nagrereklamo sa pito niyang boyfriend tungkol sa kanilang weird arrangement, wala siyang pakialam sa sasabihin ng mundo.

vuukle comment

ATLANTICO

CARLOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with