Ano bang ibig sabihin ng danyos moral? Kailan ito ginagawad? Ito ang mga sasagutan sa kaso ni Mario.
Unang kinasal si Mario kay Lita. Pero hindi nagtagal diniborsyo ni Lita si Mario sa U.S. Sa paniniwalang diborsiyado na siya kay Lita, nagpakasal si Mario kay Nita sa U.S. din. Ngunit naghiwalay din si Mario at Nita pagkaraan ng 19 na taon. Hiniling din ni Mario sa korte na ideklarang walang bisa ang kanyang unang kasal kay Lita.
Pagkaraan, nalaman ni Mario na si Lita pala ay Pilipina pa rin noong siya’y kumuha ng diborsyo sa U.S. kaya ang kasal nila ni Lita ay may bisa pa nang nagpakasal siya kay Nita. Kaya hiniling niya sa korte na ang kasal niya kay Nita ay pawalang bisa dahil ito ay bigamya ayon sa Article 35 (4) ng Family Code (FC).
Kinontra ni Nita ang petisyon ni Mario. Ang kasal daw nila ay may bisa ayon sa Article 26 ng FC dahil siya ay American talaga at kaya diborsiyado na siya talaga. Sinabi niya na ang petisyon ni Mario ay upang maiwas lang sa pananagutan sa kasong isinampa upang paghiwalayin na ang kanilang mga ari-arian.
Pagkaraang marinig ang kaso, iginawad ng RTC ang Petisyon ni Mario at dineklarang wala nang bisa talaga ang kasal niya kay Nita. Ngunit inutusan ng RTC na magbayad si Mario kay Nita ng ?250,000 danyos moral, P100,000 danyos pa ng halimbawa (exemplary damage) at P150,000 attorney’s fees na nagastos ni Nita.
Sinabi ng RTC na hindi pwedeng mag-asawa si Mario kay Nita dahil kasal pa siya noon kay Lita, kaya ang kanilang kasal ni Nita ay bigamya at walang bisa ayon sa Article 35 (4) ng FC. Sabi rin ng RTC na dapat nagbayad si Mario ng mga danyos at attorney’s fees na nagastos ni Nita dahil ang ginawa niyang pagpapakasal kay Nita habang hindi pa napapawalang bisa ang kasal niya kay Lita ay ginuguho ang kasal, at pamilya na ‘di nalalabag at interes ng society. Mananagot din siya ng danyos chemplo (exemplary damages) dahil ang mga ginawa niya ay may ‘di mabuting tiwala (bad faith).
Binago ng CA ang paggawad ng danyos at attorney’s fees dahil hindi naman daw kusa at sadya ang pag-aasawa muli ni Mario dahil sa mabuting paniwala niya na ang diborsyong natamo ng unang asawa niyang si Lita sa U.S. ay talagang balido dahil akala nitong Amerikano na siya . Sabi rin ng CA na angkilos ni Mario ay wala namang pandaraya, mapanlinlang at katiwalian. Tama ba ang CA?
Tama sabi ng Korte Suprema. Ang di mabuting paniniwala at masamang tangka ni Mario na gumawa ng mali ay di napatunayan. Hindi napatunayan na minsang nag -asawa muli si Mario kahit alam niyang may bisa pa ang unang kasal. Naniniwala siya ng buong tapat na ang diborsyo ng unang asawa niya ay may bisa at kinikilala sa Pilipinas dahil ang buong akala niya na yung unang asawa niyang si Lita ay mamamayan na ng U.S.
Kaya siya at si Nita ay kusang nagpakasal dahil pareho silang naniwala na ang diborsyo ni Lita ay kinikilala sa Pilipinas. Kung alam niya na si Lita pala ay Pilipino pa noong ito ay nagdiborsyo. Hindi sana sila nagpakasal ni Nita. Ang masasamang paniniwala ay hindi lang kapabayaan o masamang paghatol. Ito ay pag-iisip o motibong masama at may intensiyon talagang gumawa ng mali.
Sa totoo lang alam ni Nita na may mga kuwestiyon tungkol sa unang kasal ni Mario pero hindi siya nagsampa ng kaso at parang may duda sa kasal niya kay Mario. Kaya hindi talaga dapat managot si Mario ng mga danyos (Mercado vs. Ongpin G.R. 207324 September 30, 2020).