Mega Job Fair sa Ayala Mall Circuit

NOONG Hunyo 6, binuksan namin ang Mega Job Fair sa Ayala Mall Circuit Activity Center.

Sa pamumuno ng Makati Public Employment Sevices Office (PESO), nagbukas ang fair ng 4,478 job opportu­nities sa iba’t ibang sektor, dito at maging sa abroad.

May 288 indibidwal ang nagparehistro para sa event. Samantala, 86 sa kanila ang na-hire on the spot. 

Higit pa rito, 135 na dumalo ang itinuring na kuwalipikado para sa iba’t ibang posisyon. 

Ang “One Stop Shop” services ng fair ay isang maha­lagang feature. Ang lahat ng dumalo ay may access na sa mahahalagang ahensya ng gobyerno at mga service pro­vider.

Kabilang dito ang Social Security System (SSS), PAG­IBIG Fund, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Migrant Workers (DMW), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Bank of the Philippine Islands (BPI), at ang Special Program for Employment of Students (SPES). 

Ang Makati Mega Job Fair ay makabuluhan sa pagbi­bigay sa ating mga residente ng mas marami at better oppor­tunities para makakuha ng makabuluhang trabaho. Bahagi ito ng maraming programang nakalinya para sa buong buwang selebrasyon ng ika-354 founding anniversary ng Makati.

Sa puntong ito, gusto kong ipaalala na ang lahat ng benepisyo at magandang serbisyong ating tinatamasa ay bunga ng sipag, dedikasyon, at strong political will. Hindi masama ang paghahangad na magbigay ng better services at better quality of life para sa ating mga nasasakupan. 

Hindi dapat makuntento sa serbisyong sakto lang, dapat laging better—at ‘yan ang naging misyon ko from day one!

Show comments