P1-M tulong sa Davao de Oro mula sa Proud Makatizens

Noong Miyerkules, muli tayong nagpaabot ng P1-million financial assistance sa Davao de Oro na naapektuhan ng shear line weather disturbance sa unang bahagi ng 2024.

Personal na bumisita sa Makati City Hall si Ms. Grace Quintana, Davao de Oro Provincial Treasurer, para tanggapin ang tseke na nagkakahalaga ng P1 milyon sa ngalan ng lalawigan.

Bukod sa Davao de Oro, ang munisipalidad ng Kapalong sa Davao del Norte at mga munisipalidad ng Lupon at Caraga sa Davao Oriental na dumanas ng mga epekto ng shear line at Tropical Cyclone Kabayan sa huling bahagi ng 2023 ay nakatakdang tumanggap ng tulong pinansiyal mula sa lungsod.

Para sa akin, mahalaga ang pagpapaabot ng tulong sa mga kapatid nating nasasalanta ng kalamidad dahil mas mabilis ang nagiging recovery nila. Kasama dito ang paanyaya na matuto ng makabagong disaster risk reduction and management techniques at makapag-invest sa mga kagamitan at instrumento na makakatulong sa paghahanda sa mga panahon ng emergency at sakuna.

Hindi lamang tulong pinansiyal ang kayang ipaabot ng Makati kundi maging best practices, technical expertise, at pamilyarisasyon sa mga makabagong equipment. Mahalaga ang mga ito para matuto ang ibang LGUs na maging handa sa iba’t ibang uri ng disaster.

Ang mga munisipalidad ng Kapalong, Davao del Norte at Caraga, Davao Oriental ay tatanggap ng tig-P500,000  habang ang munisipyo ng Lupon, Davao Oriental ay tatanggap ng P250,000.

(Itutuloy)

Show comments