^

PSN Opinyon

CIA, interesado sa kaso ng Chinese spy!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

WALANG sinuman na makakahawak ng mga cell phones, computers, gadgets at advanced communication equip­ments­ na nakumpiska sa Chinese spy, maliban sa IT experts ng pulisya at militar. Iniutos kasi ni President Bongbong Marcos ang tight security sa mga nakumpiskang gadgets at com­munication equipments kay Yuhang Liu para masiguro na hindi mabura ang mga detalye na nakapaloob sa mga ito.

“Ang gusto ni President Marcos ay masiguro na walang hindi kasali sa kaso na mahawakan ang mga gamit na nakumpiska kay Yuhang hanggang ang investigation sa lahat ng angles ay matapos,” ani CIDG director Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco. May katwiran si BBM, ano mga kosa?

Ang mga nakumpiskang epektos ay nasa safekeeping­ sa ngayon sa opisina ni Col. Joel Ana, ang hepe ng CIDG, National Capital Region (NCR). Dipugaaa! Hehehe! Kaila­ngan pa bang i-memorize ‘yan?

Sinabi ni Francisco na nag-a-apply ang CIDG sa korte ng Warrant to Examine Computer Data (WECD) para mabuk­san ang mga celfones, laptops, computers at mga advanced communication equipment na gamit ni Yuhang. “Very interes­ting ang laman ng mga gadgets. Doon makikita ang exchanges ng messages at iba pang evidence, lalo na kung kanino nag-communicate si Yuhang,” ani Francisco.

Subalit hanggang hindi pa naaaprub ng korte ang WECD, hindi magagalaw ng iba’t ibang IT experts ng gobyerno ang mga gamit ni Yuhang, alinsunod sa kautusan ni BBM, ani Francisco. Mismooooo!

Iginiit pa ni Francisco na nag-aabang na ang mga per­sonnel ng Anti-Cybercrime Group (ACG) at ISAFP sa paglabas ng WECD para masimulan na nila ang pag-decipher ng laman ng mga nakumpiskang gamit ni Yuhang. Ang resulta ng kanilang trabaho ay ipo-forward sa National Tele­communication Commission na siyang mag-identify kung espionage ang ginagawa ni Yuhang, base sa mga na-intercept na communications n’ya.

Maging ang Central Intelligence Agency (CIA) ng U.S. ay nag-signify ng malaking interes sa kaso ni Yuhang. Eh di wow! Kaya pati ang CIA ay excited din at matiyagang nag-aabang at panay tsek kung nalabas na ang WECD para malaman ang laman ng gamit ni Yuhang. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Deny to death naman si Yuhang na spy siya ng China. Tsk tsk tsk! Sa lahat ng nabasa ng Dipuga na libro at maging napanood sa cine, abayyy wala pang umaamin na spy siya, di ba mga kosa? Ayon kay Francisco, inaamin ni Yuhang na scammer siya, kaya maraming cash na nabawi rin sa pag-iingat niya. “Ang sabi niya, sangkot siya sa different scams sa cyber space,” ani Francisco. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Si Yuhang ang kauna-unahang spy ng China na nadagit ng mga awtoridad sa kalnitan ng bangayan ng Pinas at China sa West Philippine Sea. Kahit ano pa ang denial niya, sinisiguro ni Francisco na lalabas at lalabas din ang katotohanan kapag nabuksan na ang lahat ng gamit ni Yuhang.

Haharap siya sa inquest proceddings sa kasong grave threats, violation of Comprehensive Firearms and Ammunition Code, at paglabag ng Access Device Act sa sala ni Makati City prosecutor Joan Bolina-Santillan, 4:00 ng hapon, Hunyo 4. Abangan!

CELL PHONES

CIDG

COMPUTERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with