^

PSN Opinyon

Mga espiya ng China

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAKAKALAT na raw ang mga espiya ng China sa bansa matapos maaresto ng Criminal Investigation and Detection­ Group (CIDG) at intel agents ng Armed Forces of the Philip­pine (AFP) ang Chinese National na si Yuhang Liu sa Makati City kamakailan.

Sangkaterbang gadgets ang nakumpiska kay Yuhang nang arestuhin matapos ireklamo nang panunutok ng baril. Hinalughog ang bahay nito sa Marina Seaview Residence Project, Parañaque City at narekober ang isang drone at eavesdropping devices.

Dahil sa gadgets at mga advance technology, malaki ang hinala ng CIDG na espiya si Yuhang. Sa ngayon ay inte­re­sado ang Central Intelligence Agency (CIA) ng US kay Yuhang.

Nabasa naman sa cell phone ni Yuhang ang mensa­heng “Ang mga Pinoy ay madaling patayin dahil sa kasu­wa­pangan ng mga ito sa pera”. Nagpapatunay ito na mara­ming naging transaksyon si Yuhang sa mga departamento ng pamahalaan at nakakalusot ito sa lahat ng kanyang nais na kunin at pasukin upang makakuha ng mga impormasyon.

Samantala, sinisiyasat din ng PNP si Bamban, Tarlac­ Mayor­ Alice Guo na hinihinalang espiya rin. Bagamat sa pag­dinig sa Senado, sinabi ni Guo na siya ay Pilipino. Pero nang tanu­ngin siya nina Senators Risa Hontiveros at Loren Le­garda ay kaduda-duda ang kanyang mga sagot.

Tinanong siya kung saan siya ipinanganak at kung sinu-sino ang kanyang mga kapatid pero walang maalala si Guo. Nang tanungin muli, anak lang daw siya sa labas. Ka­tu­long daw ang kanyang ina. Mahirap lamang daw sila at nag-aalaga ng baboy. Nang tanungin uli, nabunyag­ na may mga kapatid ito at maraming mamahaling sasakyan at may helicopter pa.

Dapat magtrabaho nang husto ang intelligence ng PNP at AFP para matukoy kung mga espiya ng China sina Yuhang at Guo.

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with