Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isang napakagandang programa na inilunsad ng pamunuan ng Megaworld Hotels and Resorts (MHR) nitong Martes na Health and Wellness program in partnership with AIA Vitality na “Your Wellness Journey to a Healthier Lifestyle.
Ang napapanahong programa ay ginagap sa Grand Ballroom, Hotel Lucky Chinatown, Binondo Maynila na dinaluhan ng mga opisyal ng MHR, AIA Vitality, Fitness Enthusiast at ilang piling kagawad ng Media, kabilang ang Magsasakang Reporter, Edna Abong, Head ng PSN Advertising, Rhoda Luna at iba pa.
Ang mga kagawad ng media ay inimbitahan ni Nico Ivan Velasques na siyang Group Director of Public Relations ng Megaworld Hotels & Resorts.
Karamihan sa mga dumalo sa okasyon ay naka-fitness at sports attire na handang makiisa sa programa at nagnanais na magkaroon ng malusog na pangangatawan.
Si Ms. Divine Delos Reyes, Head ng MHR People Management ang siyang nagbigay ng Welcome Remarks o mainit na pagtanggap at pagsalubong sa lahat ng dumalo sa okasyon.
Nagbigay naman ng makabuluhang Wellness Talk & High Intensity Interval Training si Ms. Nikki Torres, isang fitness enthusiast at instructress.
Tinalakay ni Ms.Torres ang iba’t ibang pamamaraan para magkaroon ng healthy living at kahalagahan ng pagkakaroon ng regular na ehersiyo ang bawat isa.
Matapos ang halos 30-minutong kapakipakinabang na lecture ay aktuwal na nagbigay at nagturo ng akmang pamamaraan ng pag-eehersiyo si Ms.Torres at nag-join ang mga guest.
Si Ms. Kats Cajucom, Head ng Health and Wellness ay siya naman nagbigay ng overview ng AIA Vitality program kasunod ang pagtuturo AIA Vitality App Walkthrough.
Ang iba pang speaker ay sina Ronn Patrick Guingguing, Health and Wellness Proposition at Michael Angelo Esguerra, Health and Wellness Business Development.
Nakiisa rin ang lahat sa zumba na pinangunahan ng Golds Gym instructress.
Si Ms. Cleofe Albiso, Managing Director ng MHR ay siya namang nagbigay ng makabuluhang closing remark.
Inilunsad ang magandang programa ng MHR Health and Wellness para makatulong sa maraming mamayan na pangalagaan ang kanilang kalusugan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng healthy lifestyle.
Pumirma rin ng “commitment” ang mga opisyal ng MHR at AIA Vatality.
“I commit to making healthy choices and staying active for a healthier and happier me,” bahagi ng pinirmahang commitment.
Ang launching ng napapanahong program ay una sa 90-araw na kampanya ng MHR at AIA Vitality.
“We launch of the first 90-day campaign and cascade of fast start initiatives,” anila.
Ang Magsasakang Reporter ay may regular na ehersisyo sa pamamagitan naman ng paglalaro ng badminton every other day dahil sa paniniwalang ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan ay may malusog na kaisipan.
“Eat more gulay para humaba ang buhay”
Samantala, para naman sa tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5.
Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.