1. Maaaring mapabuti ang kalidad ng pagtulog – Ang Chamomile tea ay naglalaman ng apigenin, isang uri ng antioxidant na nagsusulong na makatulog ka. Sa isang pag-aaral, ang taong kumo-konsumo ng 270 mg ng katas ng chamomile tea 2 beses bawat araw sa loob ng 1 buwan ay nagkakaroon ng 33% na mas magandang tulog at mas mabilis makatulog ng 15 minuto kesa sa hindi umiinom nito.
2. Maaaring magamot ang panunaw – Limitado lamang ang ebidensya pero ayon sa ilang pag-aaral, ginagamit ito upang gamutin ang ilang mga karamdaman sa panunaw, kabilang ang pagduduwal at hangin.
3. Maaaring maprotektahan laban sa kanser – Ang isang uri ng antioxidant na matatagpuan sa chamomile tea ay naiuugnay sa mababang insidente ng ilang uri ng kanser, katulad ng kanser sa thyroid.
4. Maaaring may benepisyo sa pagkontrol ng blood sugar – Hindi pa ito tiyak. Pero ayon sa isang pag-aaral, ang mga taong umiinom ng chamomile tea araw-araw sa loob ng dalawang buwan ay mas bumaba ang antas ng blood sugar.
5. Maaaring makatulong sa puso – Ang chamomile tea ay sagana sa mga flavones, isang klase ng antioxidant na posibleng magpababa ng blood pressure at antas ng kolesterol.
6. Maaaring makatulong sa depresyon – May mga pagsasaliksik na ang chamomile ay posibleng mabawasan ang sobrang pangamba at depresyon.
***
Maligamgam na tubig
Mga benepisyo sa pag-inom ng maligamgam na tubig:
1. Magandang panunaw – Ang mainit na tubig ay sinasabing madaling paraan upang mapabuti ang kalusugan. Kapag ang isang tao ay hindi umiinom ng sapat na tubig, ang maliit na bituka ay sumisipsip ng mas maraming tubig sa na-konsumong pagkain at ininom. Ito ang dahilan para maging dehydrated at mahirapan dumumi. Ang sobrang dehydration ay maaaring mag-resulta ng malalang constipation o pagtitibi at magresulta ng iba pang problema.
2. Para maging regular ang pagdumi – Kung kumpleto sa rami ng tubig na iniinom, mas madali at magiging regular ang pagdumi dahil mas magiging malambot ito at madali ito para mailabas.
3. Magandang sirkulasyon – Ang maligamgam na tubig ay maaaring makapagpa-buka ng blood vessel para dumaloy ng mas maayos ang dugo at sustansya sa ating katawan.
4. Nakakabawas ng stress – Ang isang tasang maligamgam na tubig ay nakatutulong para mabawasan ang stress at anxiety.
5. Magkaroon ng mas maayos na tulog – Ayon sa research, ang pag-inom ng isang tasang maligamgam na tubig ay nakatutulong para marelax ang katawan at maka-tulog. Maiiwasan din ang magising sa madaling araw, para maging malakas sa susunod pang mga araw.
6. Mabuti sa tiyan – Ang maligamgam na tubig ay nakatutulong sa maayos na pagtunaw ng ating kinain. Para makapasok ang sustansiya sa ating katawan.