Gen. Marbil, bukol ang inabot sa tong collectors!

MAKAKAHINGA na nang maluwag si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil. Dahan-dahan kasing binubuwag ni CIDG director Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco ang grupo ng kalalakihang gumagamit ng pangalan ni Marbil sa tong collection sa pasugalan sa buong Pinas. Inutos kasi ni Marbil kay Francisco na lumpuhin itong grupo ng tong col­lectors dahil sa hindi lang ang imahe niya ang sinisira kundi maging ang PNP. Araguyyy!

Nauna nang naaresto ng mga tauhan ni Francisco si Deanson Magsino, sa Sto. Tomas, Batangas City. Itinuturo si Magsino na gumagamit ang pangalan ni Marbil sa tong collection sa sugal lupa sa Calabarzon area. Ayon kay Magsino, kare-remit lang n’ya ng P2 milyon sa kausap n’ya sa Camp Crame nang makorner sa pag-iingat ng kalibreng .45 pistol. Sanamagan! Hehehe!

Sumuko naman noong isang linggo kay Francisco ang kasama ni Magsino sa grupo na si Rico Posadas. Siyempre­, deny to death si Posadas. Inamin ni Posadas na gina­gamit s’ya ng mga opisyal sa tong collection activities su­balit ni minsan hindi niya binanggit ang pangalan ni Marbil. Eh di wow!

Minabuti ni Posadas na sumuko, dahil alam niyang hindi­ siya lulubayan ni Francisco kapag nagtago siya. Si Fran­cisco, mga kosa ay naging intelligence officer sa Cavite kaya’t alam niya ang kalakaran sa Calabarzon. Mismooo! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ayon kay Francisco, binigyan niya ng warning si Posadas na hindi siya sasantuhin kapag ginamit niya ang pangalan ni Marbil sa kawalanghiyaan. Aniya, hindi naman niya ma­kasuhan si Posadas dahil walang direct evidence laban sa kanya. Basta, ang kainaman, abot-langit ang pagsusumpa ni Posadas na wala siyang kinalaman sa tropa ni alyas Maklang. Get’s n’yo mga kosa?

Deny to death din si Col. Reynaldo Maclang, ang fiscal ni Marbil, na may kinalaman siya sa nasabing tong collection activities. Owww! Ipinarating ni Maclang ang kanyang panig sa Dipuga sa pamamagitan ng kaklase niya sa PNPA Class ’98. Truth shall prevail sa isyung ito dahil sa kalye ang galawan nitong mga tong collectors at natural na mabubunyag ang mga pangalan ng amo nila. Tumpak! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sinabi ni Francisco na may hinahanting pa ang mga operatiba ng CIDG na ibang tong collectors, lalo na sina John John Valenzuela at ang alyas Steve Andrew. Itong si Steve Andrew ay gamit din ang alyas na Jericho, at iki­na­kalat niya na ang kampo niya ang nagpa-upo kay Marbil sa trono ng PNP. Dipugaaaaa!

Inutusan din ni Francisco ang mga CIDG Field Units na magmatyag ng maigi sa kalye para arestuhin ang tong collectors na susuway sa kautusan ni Marbil. Matapos kasing matunugan na may gumagamit ng kanyang pangalan sa tong collection, abayyy nagpalabas ng memo si Marbil na arestuhin sila at si Magsino ang unang tinamaan ng lintek. Sal-it!

Si Marbil ay dating comptroller ng PNP at sa halos dalawang buwan niya sa puwesto ay mukhang milyones na ang bukol na inabot niya. Magsuot ka ng helmet Gen. Marbil Sir! Mismooooo! Ang sakit sa bangs nito! Abangan!

Show comments