^

PSN Opinyon

Akusasyon sa Bell-Kenz

BANAT NI BAUTIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Dapat na maging maingat sa cyber libel dahil sa mga potensiyal na epekto nito sa buhay ng mga indibidwal mga suki. Para sa inyong kaalaman, nagaganap ang cyber libel o online defamation kapag ang mga pekeng pahayag ay ginawa na nakasisira sa reputasyon ng isang tao o orga­nisasyon, maaaring kumalat agad ang mga pahayag na ito at may mahabang epekto sa personal o propesyunal na buhay ng isang tao. Mahalaga na maging maingat sa kung ano ang ating sinasabi o ibinabahagi online at patunayan ang impormasyon bago ito isapubliko.

Nasabi ko mga ito, dahil ang iginagalang na si Dr. Tony Leachon ay sinampahan ng cyber libel sa National Bureau of Investigation ng Bell-Kenz Pharma Inc. dahil sa pagpapakalat sa online ng “malicious, reckless, and baseless” accusations. Inaakusahan ni Leachon, isang health advo­cate at kilala sa medical community, ang Bell-Kenz na sangkot sa “unethical practices”.

Isa sa mabigat na bintang umano ni Leachon sa Bell-Kenz ay sangkot ito sa multi-level marketing at pyramiding­ schemes gayundin ay nag-aalok ng mga maga­garbong incen­tives sa mga doktor na magrereseta ng kanilang gamot.

Sa mga pahayag ni Leachon ay sinabi niyang ilang “whistleblowers” ang lumapit sa kanya at nagkumpirma ng mga nasabing impormasyon na siya niyang isinapubliko­. Sa ganitong pag-amin ni Leachon ay malinaw na hearsay lamang at walang sapat na katibayan ang mga ipinala­labas niya, lumalabas na wala itong “first hand” information ukol sa kanyang mga binibintang sa Bell-Kenz Pharma.

Sa kanilang isinampang cyber libel case sa NBI sinabi ni Bell-Kenz Corporate Secretary Atty. Joseph Vincent Go na pawang walang basehan ang alegasyon ni Leachon at sa tindi ng kanyang mga paninira ay nagresulta na ito ng pagkasira ng kanilang reputasyon bilang isang mapagkakatiwalaang pharmaceutical company. Hindi lamang ang pangalan ng kompanya ang nasira kundi nagresulta rin ito ng pagkasira sa reputasyon ng mga doktor na mas pinipili na magreseta ng mga gamot na gawa ng Bell-Kenz na 30% na mas mura kaysa sa iba.

Desidido ang Bell-Kenz na ipagtanggol ang kanilang kompanya at inihahanda pa umano nila ang iba pang kaso laban kay Leachon. Sinabi ni Go na handa silang humarap sa mga imbestigasyon na gagawin ng Senado o ng iba pang government health regulatory bodies subalit ang kanilang hiling ay mabigyan sila ng patas na pagtrato. Isa sa hiling ng Bell-Kenz sa NBI ay maalis sa social media ang mga “damaging posts” na pawang sinabi ni Leachon.

SUKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with