^

PSN Opinyon

Healthcare benefits sa Makatizens

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

(Last part)

ILAN sa mga nabanggit kong proyekto ang libreng gamot­ at check-up para sa mga Yellow Card holders at depen­dents, ang free delivery ng full-dose maintenance medicine para sa mga senior citizens edad 70 pataas, free immuni­zation para sa common childhood diseases at infectious diseases, pati na rin mga espesyal na bakuna sa influenza, Japanese encephalitis, pneumonia, HPV, shingles, at iba pa.

Patuloy din ang pagmo-modernize ng Ospital ng Makati at ang bagumbagong Makati Life Medical Center ay nagha­hatid ng advanced at comprehensive medical services 24/7. 

Mayroon ding Memorandum of Agreement ang lungsod ng Makati at ang Makati Medical Center na nagpapahintulot sa mga pasyente mula sa Ospital ng Makati (OsMak) na ma-refer sa MMC para sa mga specialized na diagnostic exams, paggamot, at maging sa operasyon na subsidized ng lungsod. Dahil dito, ang mga benepisyaryo ng Yellow Card ay magkakaroon ng full access sa pinakamahusay na healthcare services sa lungsod kahit ano pang estado nila sa buhay.

Para po sa amin hindi lamang namin ito obligasyon sa inyo bilang lider, kundi misyon at sinumpaang tungkulin. Dapat gawing abot-kaya ang healthcare at education dahil ito ang mga susi sa mas magaan at maginhawang buhay para sa inyong mga anak.

* * *

Kasama ako sa mga mayor na nagtungo sa Vatican­ City para sa “Climate Crisis to Climate Resilience summit” mula May 15-17. Ito ay napakamakahulugang pagtitipon na dinaluhan ng mga lider ng lungsod mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kabilang ang mga pangunahing mayor ng C40.

Itinuturing ito na isang milestone sa pandaigdigang laban sa climate change, kung saan ang mga kalahok ay lumagda sa isang kritikal na “Protocol for Climate Resilience”.

Para sa akin, napakalaking blessing ang makasalamuha si His Holiness, Pope Francis, sa ginanap na Mayors and Governors Summit. Ang pagkakataong makaharap si Pope ay isang mahalagang sandali, na nagbigay-daan sa amin upang talakayin ang mga estratehiya at hamon sa klima na naaayon sa kanyang panawagan sa “Laudate Deum”. 

Ang “Laudate Deum” ay isang dokumento o ensiklikal mula kay Pope Francis na naghihikayat sa lahat para sa pangangalaga ng kalikasan at pagtugon sa mga isyu ng pagbabago ng klima.

CHILD

DISEASES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with