Sa Makati, better services para sa mga nanay (Part 1)

Isang mainit at masiglang pagbati sa lahat ng kapwa ko nanay, hindi lang dito sa Makati, kundi sa buong Pilipinas! Talaga namang walang kapantay ang inyong araw-araw na sakripisyo at pagmamahal sa pag-aalaga sa pamilya.

Gusto ko ring bigyang-pugay ang ating single ­mothers na walang tigil sa pagtatrabaho upang buhayin at palakihin ang kanilang mga anak. Kayo ang tunay na mga bayani. Mabuhay kayo!

Dito po sa Makati, wala kaming ibang naging hangad kundi ang mapabuti ang buhay ng bawat residente. Lubusan ang aming pag-alalay sa mga ina para maging malusog at maginhawa ang buhay ng bawat pamilya.

Ang aming mas pinahusay na programa sa maternal and child care ay naghahatid ng libre at dekalidad na prenatal checkups, vitamins at supplements,  libreng panganganak sa ating mga lying-in clinic at Ospital ng Makati, Baby Makatizen bags, follow-up checkups ni baby, at kumpletong bakuna, upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mag-ina.

Hindi rito natatapos ang aming pag-alalay. Alam namin ang bigat ng responsibilidad ng pagtataguyod ng pamilya kaya naman sagot na namin di lang ang libreng edukasyon kundi pati mga gamit sa eskuwela.

Isama mo na rito ang sapatos, uniform, maganda at matibay na bag, kapote, jacket at iba pa. Dinagdagan pa ito ng masustansyang snacks!

Meron din tayong sports programs, field trips, at scholarship programs kapag sila ay tumuntong na ng kolehiyo.

Lahat nang makakabuti at kapaki-pakinabang na proyekto para sa mga bata ay isinusulong namin, bilang katuwang ninyo sa pagpapalaki sa kanila. Lagi at lagi, ang kapakanan ninyo ang aming priority.

(Itutuloy bukas)

Show comments