^

PSN Opinyon

Zoo sa China, binatikos nang pagmukhaing panda ang mga asong Chow Chow!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang zoo sa ­Jiangsu Province sa China ang nakatanggap ng pambabatikos mula sa publiko matapos nilang kulayan ang balahibo ng dalawang asong Chow Chow para pagpanggapin ito bilang mga panda!

Noong Mayo 1, nagbukas ng bagong atraksyon ang Taizhou Zoo kung saan tinawag nila itong “Panda Exhi­bit”. Maraming dumagsa na mga taga-Jiangsu Province para makita ang mga panda ngunit nagulat sila nang makitang mga aso lang pala ang nasa enclosure.

Sa mga kumalat na litrato ng mga “panda” makikita na mga aso na may Chow Chow breed ang mga ito. Para magmukhang panda, sinadyang i-trim ang puting balahibo nito at kinulayan gamit ng itim na tina ang balahibo sa bandang taynga, mata at mga binti. Nag-viral sa Chinese netizens ang mga naturang litrato at binatikos ang zoo sa panlilinlang sa kanilang mga guest.

Dahil sa pambabatikos na kanilang natanggap, naglabas ng statement ang Taizhou Zoo kung saan itinanggi nila na nilinlang nila ang mga zoo visitors dahil malinaw sa kanilang announcement na “panda dogs” ang kanilang exhibit. Ipinaliwanag nila na nakasaad sa signage ng enclosure na mga Chow Chow ang mga ito.

Bukod sa “deceptive advertisement”, tinuligsa ng animal rights group ang zoo dahil sa pagkulay nila sa balahibo ng mga aso. Agad naman itong sinagot ng pamu­nuan ng Taizhou Zoo at ipinaliwanag na non-toxic dye ang ginamit nila sa mga Chow Chow.

May isang zoological expert ang nagbigay ng opinyon tungkol sa isyung ito. Ayon dito, hindi magandang halimbawa ang ginawa ng Taizhou zoo. Aniya, ang silbi dapat ng isang zoo ay magbigay ng kaalaman sa mga tao para magkaroon ng kaalaman kung paano nabubuhay at paano pangalagaan ang mga hayop lalo na ang endangered animals. Hindi ito dapat ma­ging “palabas” o basta entertainment lang kung saan nagkukulay ng domesticated animals para magmukhang wild animals.s

Sa kasalukuyan, hindi pa rin inaalis ng Taizhou Zoo ang “panda dogs”, at patuloy na dinadagsa ng mga bisita.

CHOW CHOW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with