^

PSN Opinyon

Pergalan, hindi kaya ni General Marbil?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

 Naglulundagan na sa Partido Federal ng Bagong Pilipinas ang mga traditional politician. Nagbabanggaan na ang mga dating magkapartido at nag-uunahan kung sino ANG makakapasa sa itinatag ni PBBM na partido bilang paghahanda sa 2025 at 2028 elections. Sa mga lalawigan, naglalabasan na ang ilang pulitiko na nagmula rin naman sa mga dati nilang kasangga sa partido.

Uso na rin ang pagsuspinde sa local officials. Patunay dito ay ang nangyaring pagsuspinde kay Cebu City Mayor Rama. Hindi lamang si Rama kundi marami pa ang may kinakaharap na asunto sa Ombudsman, Sandiganbayan, DILG at Commission on Election. Anumang oras, may lalabas na kautusan upang isuspinde o sibakin sa puwesto ang isang elected official na kontra sa partido.

Tiyak ko, magiging mainit ang 2025 elections. Ito kasi ang magkukondisyon sa mga tao para sa ibobotong Presidente sa 2028. Sigurado ang may maraming pera o makinarya ang magwawagi sa election. Asahan na ‘yan!

Samantala, kaliwa’t kanan ang mga pistang bayan ngayon kaya nagsulputan na ang mga pergalan (perya­han-sugalan) na ang ginagamit na prankisa ay Peryahan ng Bayan (PnB). Inaprubahan kasi ang mga ito ng local government units (LGUs) kaya paldo ang kanilang bulsa ngayon.

Hindi makakilos o nakatali ang kamay ng PNP sa operasyon ng color games na hatak barok, pula-puti at iba pa na kinahuhumalingan nang marami lalo ang mga kabataan.

Ano kaya ang masasabi ni PNP chief Gen. Rommel Marbil sa operasyon ng pergalan? Napupuna ko, wala sa bukabularyo ni Marbil na ipasara ang mga pergalan. Ba’t kaya? Bakit hindi niya kayang ipasalakay sa kanyang mga pulis ang mga pergalan at arestuhin ang financiers ng mga ito? Ano General?

MAYOR RAMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with