Bakit mahalaga ang paghihilamos ng mukha?
1. Kailangang maghilamos ng mukha sa umaga at bago matulog sa gabi. Mahalaga ito para maging malinis at maging maganda ang balat o kutis.
2. Mali ang kasabihan na masama o hindi magandang maghilamos. Maraming naiipon na dumi, muta at bacteria sa mukha. Napaka-oily din ng mukha sa umaga.
3. Kapag hindi maghihilamos ng mukha, puwedeng magkaroon ng pimples, kuliti, impeksyon at pamumula ng mga mata.
4. Ang pagdami ng muta ay isang senyales na maraming mikrobyo ang mata kaya dapat maghilamos.
5. Maghilamos ng mukha sa umaga at bago matulog sa gabi. Puwedeng maghilamos kahit puyat, galing sa trabaho, gumamit ng computer, cell phone, gadget, walang tulog o bagong gising.
6. Puwedeng magpahinga ng limang minuto kung gusto, pero kailangan maghilamos pa rin.
7. Walang koneksiyon ang paghilamos ng mata sa paningin. Sa katunayan, mas lilinaw ang iyong paningin kapag natanggal ang muta at iba pang dumi sa mata. Take care po.
- Latest