Midterm election na sa papasok na taon kaya maging matalino tayo sa pagpili ng mga ihahalal na mambabatas. Kuwidaw tayo sa mga kandidatong pro-China hane? Baka bukas makalawa alipin na tayo ng mga Tsekwa kapag nanalo sa eleksiyon ang mga galamay nila.
Kahit si Presidente Marcos ay pinaghahanda na ang kanyang Partido Federal ng Pilipinas para sa halalan at mukhang ready nang makipag-alyansa sa iba pang malalakas na partido.
Maging mapanuri sa pagpili ng mga kandidato at maging matalas ang mga mata sa nga tinatawag na “Manchurian candidates”. Ang Manchurian candidate ay isang lumang nobelang Amerikano tungkol sa isang grupo ng mga U.S. intelligence men na nabihag ng Russians, ipinadadala sa Manchuria at na-brainwash upang maging gunmen laban sa mga Amerikanong nais nilang ipaligpit. Ang lupet!
Hindi malayong sa Pilipinas ay maglalaan ng bilyun-bilyong pondo ang China bilang suporta sa mga kandidatong nais nilang iluklok. Ingat sa mga pulitikong may blind loyalty sa leader na gustong maging probinsya ng China ang Pilipinas.
Kilala n’yo na sila marahil. Sila yung mga bumabatikos kay President Marcos Jr. sa ginagawang pagresponde sa labis na panggigipit at pang-aabuso ng China sa ating bansa. Kung loyal pa rin kayo sa kanila, gising na bago mahuli ang lahat!