Proseso sa pagkuha ng PhilHealth membership

Malapit na naman ang graduation at tiyak, daragsa ang mga bagong job applicants. Isang requirement sa pag-a-apply ng trabaho ay PhilHealth membership. Kaya nga­yon pa lang ay dapat nang maghanda ang mga kabataan.

Madali lang ang pagkuha ng membership sa PhilHealth. Kumuha muna ng barangay certificate na nagpapatunay na first time kayong mag-a-apply ng trabaho upang hindi singilin ng kontribusyon kapag nagparehistro. Ilakip diyan ang kinumpletong PhilHealth Member Regis­tration Form (PMRF). Ang form na ito ay makukuha ng libre sa mga tang­gapan ng PhilHealth o maaaring i-download sa website ng PhilHealth www.philhealth.gov.ph.

Puwede rin kayong irehistro ng inyong prospective employer sa mga PhilHealth Offices kung magsusumite ito ng PhilHealth ER-2 form kalakip ang sinulatang PMRF.

Sa bisa ng RA 11261, ang pagkuha ng mga requirement sa job application ay ginawang madali at simple. Wala na ang nakaka-stress na red tape. Ang mga bagong aplikante sa trabaho ay agarang kasapi sa PhilHealth dahil sa man­date ng Universal Health Care Law, bawat Pinoy ay dapat masakop nito.

Kasama na riyan ang pagkuha ng police clearance, birth cer­tificate, tax identification number at PhilHealth membership.

Ang PhilHealth ID at MDR ay libreng makukuha sa mga tanggapan ng PhilHealth. Maaari ring maka-avail ng aga­rang benepisyo sa oras na kailanganin.

Show comments